Kinumpirma ng Queen of All Media na si Kris Aquino na binigyan niya ng singsing si Batangas Vice Governor Mark Leviste. Ipinaliwanag rin naman niya kung bakit niya ito binigyan.
Nitong July 28, 2023, marami ang nakapansin sa suot-suot na singsing ni Vice Gov. Mark Leviste sa kanyang selfie photo na ibinahagi naman niya sa kanyang Instagram account.
Agad namang nacurios ang mga netizens ng mapag-alaman na isa itong 18K white gold cartier na kung babasehan sa kanilang websites ay umaabot sa halagang 1570 dollars.
Agad namang napahirit ang ilang mga netizens ng sana all, na kahit umano'y nagbreak ay may gift pa rin. Nirepost naman ito ng isa sa mga official fanpage ni Kris Aquino kung saan isinulat nila sa caption na si Kris nga ang nagbigay ng singsing kay Mark.
Nakarating naman ito kay Kris Aquino kung saan kaagad niyang sinagot ang post ng fanpage kung saan kinumpirma niyang siya nga ang nagbigay nito.
Binigyan umano niya ng singsing si Mark Leviste bilang si simbolo ng kanilang pagmamahalan at pagkakaibigan.
“Marc and I both know we still have a lot of work to do as far as communication and not misinterpreting each other’s words—the important thing is that we both know our kids come first,” saad ni Kris.
Paglilinaw pa niya, "The reason I gave him the ring was first of all, we were very much together then BUT whether we can make the journey together reach the finish line: the love, friendship, and the fidelity (meaning loyalty and commitment) to honor and respect what was and what is shall remain SOLID."
Hindi pa rin umano masabi ni Kris Aquino kung ano ang mangyayari sa kanilang ugnayan ni Mark in the future.
Inamin rin ni Kris Aquino na ang kanyang sakit ang isa sa pinakamalaking hadlang sa pagmamahalan nila ni Mark kaya umano hindi niya masasabi kung ano ang magaganap sa hinaharap at nagpapasalamat na lamang sa mga araw na ibinibigay sa kanya ngayon.
"The old me would be messaging Vice Gov. Marc (it’s really with a C) to argue with him on why he couldn’t keep this private, but I’ve learned to accept him in his totality in the same way that he has learned to accept me for me.”
“We’re trying our best to make what we have work, and if I’m being 100% honest, a lot of my motivation comes from the fact that kuya, Bimb, and I feel genuine affection and concern for his daughter…and his youngest C2,” pahayag pa ni Kris.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!