Bagama't kinumpirma na ni Kris Aquino ang naging hiwalayan nila ni Batangas Vice Governor na si Mark Leviste, tila hindi pa rin ito tumitigil sa pagpapakita ng pagmamahal at pagsuporta sa kanya.
Sa kamakailang Instagram post ni Kris Aquino kung saan ibinahagi niya ang kanyang health updates kalakip ang ilang larawan na kuha mula sa kanyang treatments.
Sa ilang mga kuha, nahagip pa si Vice Governor na naroon at tila pinapalakas ang loob ni Kris Aquino.
Samantala, ipinahayag naman ni Kris Aquino sa kanyang caption ang kanyang pasasalamat sa lahat ng mga taong humihiling sa kanyang tuluyang paggaling.
"I chose the midpoint between my mom’s 14th death anniversary and my dad’s upcoming 40th death anniversary to THANK ALL OF YOU who continue to PRAY for my recovery."
Ibinahagi rin ni Kris Aquino ang ilang mga detalye sa pagpanaw ng kanyang ina na si Dating Presidente Corazon Aquino.
"My dad immediately died after being shot while descending the stairs to the tarmac of what was then Manila International Airport, 21 August 1983.
"My Mom died of Stage 4 colon Cancer on 1 August 2009. Upon initial diagnosis our mom was given 3 months BUT she fought hard, knowing her 5 kids weren’t ready. Our Mom underwent all the most painful treatments and God granted us 17 more months. It’s been 17 months since my Churg Strauss/EGPA diagnosis."
Ibinahagi rin ni Kris Aquino kung anong mga gamit ang tinuturok sa kanya ng kanyang doktor.
"Dr. Malika Gupta gave me my 2nd dose of a biological injectable (unfortunately not available in the 🇵ðŸ‡) to help lower my very high IgE (please google, BORING sa haba kung i-define ko)… She calls me a “bad-ass” because kinakaya ko even though malapot at mahapdi yung ini-inject at malalim kailangan ibaon yung prefilled high tech syringe.
"Yes, matapang na ko sa halos lahat ng kailangan pagdaanan at mataas ang pain tolerance ko. It’s the AFTERMATH, 72 hours feeling kagaya nung bigat after a Covid vaccine but x3. Yes, parang 3X akong na Pfizer or Moderna. This will be every other week, optimistically for me to reach “remission” over the next 10 to 12 months."
Dagdag pa ni Kris Aquino, "Every other Tuesday, it’s both my biological injectable PLUS methotrexate (my chemotherapy medication taken 1x/week, being used as an immunosuppressant to help me reach remission for 3 of my autoimmune conditions)."
Nagpapasalamat din si Kris Aquino sa lahat ng mga nagdasal para sa kanyang paggaling. Ipinahayag pa niya ang goodnews kung saan nagpapakita umano ang kanyang latest test results ng blood improvements.
Gayunpaman, alam umano ni Kris Aquino na matagal pa ang kakaharapin niyang pakikipaglaban sa kanyang mga karamdaman.
"Thank you because our prayers are being answered- my last blood panel showed improvement- it’s slow progress, i have a long way to go… it’s likely that after a few months another medication will be introduced to my body by UCLA’s Dr Belperio- BUT I AM, against all odds (because of all my limitations with medicinal options), FINALLY, ON THE CORRECT PATH TO REMISSION and A BETTER QUALITY OF LIFE. Thank you to all. THANK YOU, GOD. #faith"
Nilinaw din ni Kris Aquino na walang lunas ang mga Autoimmune Diseases ang gamot na ibinibigay sa kanya ay para lamang maiwasan na madamaged ang kanyang mga organs.
"clarification: autoimmune disorders have NO CURE, but life threatening damage on the patient’s organs can be prevented or managed if diagnosed early and/or given the proper treatment."
Samantala, sa comment section ng post ni Kris Aquino makikitang nagbigay ng mensahe si Vice Governor Mark Leviste na lalong ikinatuwa ng mga tagahanga ni Kris Aquino.
"Kids and I will always be by your side…for better or worse, for richer or poorer, in sickness and in health, to love and to cherish FORVER"
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!