Kim Chiu Pinagtanggol Ng Mga Fans Laban Sa Bumabatikos

Linggo, Agosto 20, 2023

/ by Lovely


 Muling nakatanggap ng pambabatikos ang Kapamilya actress at TV host na si Kim Chiu matapos niyang ibahagi sa kanyang social media account ang isang video.


Ipinakita ng TV-host actress sa video ang kanyang paghahanda bago pumasok sa kanyang trabaho. Ang video ang kinunan sa kanyang walk in closet, kaya naman makikita sa kanyang likuran ang collection niya ng mga sneakers.


Makikitang napakarami ng mga sapatos ni Kim Chiu na nagmimistula nang tindahan ng mga sapatos ang closet ni Kim na kung bibilangin pa ay nasa mahigit isang daan pares.


"Get ready with me kind of video!!!!" caption ni Kim Chiu sa kanyang video post.


Subalit, tila may isang netizen na basher ni Kim Chiu ang hindi nagustuhan sa pagpapasilip umano nito ng kanyang shoes collection. Para sa kanya, nagmamayabang umano si Kim Chiu sa pagkakaroon ng maraming sapatos gayung walang masuot ang ibang tao.


"Wag masyadi mayabang sa mga sinusot at mga sapatos.ang daming wlang sapatos.at wlang ganian.ang tataas ang lalaki ng Maintenance nio. Sana share mo yan sa maraming tao"


Agad namang nag-init ang mga followers ni Kim Chiu at kinuyog nila ang basher. Dinipensahan nila si Kim Chiu dahil wala naman umanong masama sa pagkakaroon ng maraming sapatos ni Kim Chiu dahil afford naman umano ng actress ang pambili.


Isa pa, artista si Kim Chiu kaya naman nangangailangan siya ng maraming sapatos na babagay naman sa kanyang outfit.


" luh,wala din akong ganyan pero hindi ako inggeterang tao saka pinaghirapan nya yan.Ang bossy mo naman lakas magmando bat dini"


"haha ikaw Po yang mga pinopost mong mga foods supplements nmimigay Karin ba?at least si Kim andami Ng natulungan atska pinaghirapan nya yan kaya nya nkuha wag kang pkialamera te"


" pag inggit pikit..she is an artist she has to flex and show how her style trabaho nya yan epal ka lang"


"pinagyabang nya ba? O NAYABANGAN KA LANG kasi alam mong hindi mo kaya bumili nyan. Pera nya pinambili nyan bakit need nya mamigay? Responsibilidad nya walang mga pambili HAHAHAH"


"Una di sya nag yabang pangalawa ikaw nainggit problema mo yun mag sumikap ka wag mo iasa sa kanya yang mga bagay na yan para ma please ka Bawasan ang inggit at pag gamit sa mahihirap at pag sheshare sa iba para mapag takpan ang inggit "MAGSUMIKAP KA" AY ANO NA TAYO KA INGGO"



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo