Kim Chiu, Hindi Napigil Ang Luha Dahil Sa Ginawa Ng Kanilang Contestant

Miyerkules, Agosto 16, 2023

/ by Lovely


 Hindi napigilan ng Kapamilya actress-host ang mga luha habang kinakausap niya ang isang contestant sa Mini Ms. U segment ng It's Showtime.


Sa kamakailang episode ng nasabing show, sina Kim Chiu at Tyang Amy Perez ang umupong host para sa segment ng Mini Ms. U. Kaya naman, nakausap ni Kim ang five year old contestant na si Rain.


Ibinahagi ng bata ang ilang mga kaganapan sa kanilang buhay. Ayon sa pagkukwento ng bata, naninirahan lamang sila sa sementeryo.


Gayunpaman, sa kabila ng pinagdaanang hirap, malaki pa rin umano ang pasasalamat ni Rain sa kanyang mga magulang.


Naiintindihan din umano ng bata ang kanilang sitwasyon. Alam din umano ng bata kung ano-anong mga sakripisyo ang ginagawa ng kanyang ama at ina para maitaguyod at makakain ang kanilang pamilya sa araw-araw.


Napabilib naman rito si Tyang Amy, dahil sa kabila ng kamusmusan nito, naiintindihan na umano ng kanyang murang isip ang hirap ng buhay na kanilang pinagdadaanan.


"Alam ko naman Tyang, nakatira sila sa sementeryo, hindi ka ba natatakot sa sementeryo?" pagtatanong ni Kim kay Rain.


"Hindi po kasi ang mahalaga kasama ko ang mommy ko, at daddy ko, at kuya ko at yun lang po ang gusto ko."


Muli namang napahanga si Tyang Amy sa pagiging mature kung mag-isip ni Rain na para bang nasa 50's na ito.


Samantala, napansin naman ni Kim Chiu na naiiyak na si Rain sa gitna ng kanilang pag-uusap kaya naman tinanong na nila ito kung bakit.


Agad naman itong sinagot ng bata, "Kasi naawa lang ako sa mommy ko at sa daddy ko po."


Inusisa pa nina Kim Chiu at Tyang Amy kung ano ang dahilan kung bakit naaawa ang bata sa kanyang mga magulang.


"Ang bait po nina mommy at daddy sa akin saka po inaalagaan po nila akong mabuti."


Naitanong din nina Tyang Amy at Kim Chiu kung ano ang trabaho ng mga magulang ng bata.


"Si Mommy po naglalaba, yung daddy ko po naghahalo po ng semento," pahayag ni Rain habang namumuo na ang mga luha sa mga mata.


Nang hingan ng mensahe para sa kanyang mga magulang tuluyang nang bumagsak ang mga luha ni Rain.


"Mommy I love you, Daddy I love you rin," umiiyak na pahayag ng bata.


Kaya naman, hindi na din napigil ni Kim Chiu ang kanyang mga luha, dahil dito siya naman ang tinanong ng bata kung bakit ito naapektuhan sa kanyang mga sinasabi.


"Bakit ka nalulungkot sa mga sinasabi ko," inosenteng pagtatanong ng bata.


Agad naman itong sinagot ni Kim Chiu at ipinaliwanag sa bata ang kanyang nararamdaman.


"Hindi ako nalulungkot, nata-touch lang ako sa kwento mo. Saka gusto ko ang pananaw  mo sa buhay na five year old ka pa lang, alam mo na kung ano ang ginagawa ng mga magulang mo, na nakakabuti para sa'yo."


Dagdag pa ni Kim Chiu, "Dapat hanggang paglaki mo ganyan, grateful palagi."


Samantala, marami naman ang nakakapansin na malaki na umano ang naging improvements ni Kim Chiu sa paghohost ng It's Showtime. Kahit wala umano si Vice Ganda ay kayang-kaya na umano ni na dalhin ang show.


Sa ngayon ay wala sa It's Showtime si Vice Ganda dahil abala ito sa taping ng kanyang series na ipapalabas sa online video streaming app na Amazon.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo