Kim Chiu Buhat Na Buhat Ang It's Showtime Habang Wala Si Vice Ganda!

Lunes, Agosto 14, 2023

/ by Lovely


 Umaani ngayon ng papuri ang actress-tv host na si Kim Chiu mula sa mga manonood ng Kapamilya noontime show na It's Showtime matapos nilang mapansin na kayang buhatin ng Chinita Princess ang nasabing show.


Marami ang nakapansin na tila nadadala na umano ni Kim Chiu ang It's Showtime kahit absent sa show si Vice Ganda.


Matatandaan na marami ang nagsasabing mas lively ang It's Showtime kapag naroon si Vice Ganda, subalit ngayon kahit wala umano ang Unkabogable Star ay nagiging lively na rin ang show dahil kay Kim Chiu.


May mga nagsasabi pa na kaya na rin umano ni Kim na tumbasan ang energy ni Vice Ganda, sa katunayan napansin ngayon ng ilang mga netizens ang galing na ipinapamalas ngayon ni Kim Chiu sa paghohost lalo pa't wala si Vice Ganda.


Kasalukuyang abala ngayon si Vice Ganda dahil sa kanyang taping kaya absent ito sa It's Showtime.


Samantala, naging emosyunal naman si Kim Chiu sa segment ng Mini Miss U dahil sa mensahe ng isa sa kanilang mga contestant para sa kanyang mga magulang.


Maayos rin na naitawid ni Kim Chiu kasama ni Tiyang Amy ang pagiging emosyunal ng bata sa Mini Miss U.


Agad silang pinuri ng mga netizens sa kanilang ipinapakitang improvements sa pagiging hosts ng It's Showtime. 


"Tyang Amy and Kim Chiu are really doing well today!! Batikan at youthful! Nice tandem!"


"Great job for doing an excellent hosting Kimmy. I appreciated and praises you so much ,KIMMY, you have improved and step up the quality of your hosting esp in DREAM MAKER and now in ITS SHOWTIME.CONGRATS KIMMY"


Sa kabilang banda, hindi naman maitatanggi na marami pa rin ang naghahanap kay Vice Ganda sa It's Showtime sa kabila ng mga kontrobersiyang kinakaharap nito.


Sa ngayon ay hindi pa alam kung kailan makakabalik sa It's Showtime si Vice Ganda dahil abala ito sa taping ng kanyang upcoming series na ipapalabas sa video streaming app na Amazon..




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo