Makalipas ang mahigit pitong taonmuling nadagdagan ang munting pamilya nina Toni Gonzaga at Paul Soriano.
Noong August 11, 2023 sa ganap na 2:05 ng hapon, masayang sinalubong nina Paul Soriano at Toni Gonzaga ang kanilang ikalawang anak.
Pinangalanan nila itong si Paulina Celestine Gonzaga Soriano tinatawag naman nila ito bilang si Polly. Ang pangalan na ito ay kombinasyon ng pangalan nilang dalawa.
Ang Paulina ay mula sa pangalan ni Direk Paul habang ang Celestine naman ay mula sa tunay na pangalan ni Toni Gonzaga.
Si Paulina Celestine ay may bigat na 6.8 pounds.
Hindi naman ipinagkait ni Direk Paul Soriano sa kanilang mga tagahanga ang kanilang ikalawang supling ni Toni Gonzaga. Kaagad niyang ipinaalam sa pamamagitan ng kanyang social media na ligtas na nakapanganak si Toni Gonzaga.
Makikita sa social media post ni Paul Soriano na nakahiga sa hospital bed si Toni Gonzaga na karga naman nito ang kanilang anak.
Bagama't makikita sa mukha ni Toni Gonzaga ang pagod dahil sa kakapanganak pa lamang niya, bakas pa rin ang saya sa kanyang pagngiti.
Agad namang umani ng mga mensahe ng pagbati ang post na ito ni Paul. Kabilang sa mga naunang nagkomento rito ay ang kapatid ni Toni Gonzaga na si Alex Gonzaga.
Samantala, ibinahagi naman ni Toni Gonzaga sa kanyang Instagram stories ang larawan ng kanyang dalawang anak. Kuha naman ang nasabing larawan nang makauwi na sila mula sa hospital.
Makikita sa nasabing larawan na nakaupo sa tabi ni Polly si Seve. Makikita naman sa background ang mga balloon para i-welcome ang panibagong myembro ng kanilang pamilya.
Makikita rin ang pagngiti ni Seve sa kamera na nangangahulugan lamang na masaya siya isa na siyang ganap na Kuya.
Maging sina Mommy Pinty at Daddy Bonoy ay hindi rin maitago ang galak sa pagkakaroon ng panibagong myembro sa kanilang pamilya.
Samantala, sa isang panayam kay Mommy Pinty sinabi niyang napag-usapan nila na sina Paul Soriano at Toni Gonzaga ang unang magbabahagi ng mukha ni Baby Polly.
Isiniwalat din ni Mommy Pinty na July 23 pa lamang ay pinayuhan na si Toni ng Ob-Gyne nito na maari nang manganak. Subalit, inabot pa ng August bago naisilan ni Toni ang pangalawang anak.
Gayupaman, maayos naman umano ang kalagayan nina Toni Gonzaga at Paulina Celestine. Worth the wait naman umano ang kanilang apo dahil napaka-cute.
Samantala, tila nagkatotoo naman umano ang sinabi manifesting noon ni Toni Gonzaga. Kung saan ibinahagi niya sa kanyang social media post na magkakaroon din siya ng anak na lalaki at babae.
Taliwas sa pagiging pribado ni Toni Gonzaga sa kanyang pagbubuntis, hindi naging maramot ang aktres sa pagbabahagi ng mukha ng kanilang anak sa social media.
Isang linggo, matapos ang panganganak ni Toni Gonzaga, ipinasilip na nito sa kanyang mga tagahanga ang mukha ng kanyang anak.
"You are the greatest reward I’ve ever held in my arms.. Thank you for coming right on time just when I needed you the most… My new best friend Polly," caption ni Toni Gonzaga sa kanyang post.
Makikita sa nasabing post na ito ni Toni ang video ng kanyang pregnancy journey.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!