Naging matunog sa ilang mga social media platforms ang pangalan ng Camarines Sur Governor na si Luigi Villafuerte ng kumalat sa social media ang video kung saan hinahalikan niya sa pisngi ang aktres na si Yassi Pressman.
Si Vincenzo Renato Luigi Reyes Villafuerte ay ipinanganak noong November 7, 1996 sa Camarines Sur, Bikol Philippines. Isa siyang Filipino politician na nagsilbi bilang Governor ng Camarines Sur mula noong June 30, 2022.
Siya ang humalili sa kanyang kapatid na si Migz Villafuerte. Tinalo niya ang actress singer na si Imelda Papin noong 2022 Elections.
Si Luigi ay kilala bilang youngest elected Governor sa kasaysayan ng Pilipinas.
Bago siya naging Governor ng Camarines Sur, nagsilbi muna siya bilang Provincial Administrator ng kanilang lalawigan.
Noong February 2022, hinirang siya bilang Public Servant of the Year ng Nation Builders Committee para sa kanyang paglilingkod bilang Provincial Administrator.
Noon pa man ay involved na ang pamilya ni Luigi Villafuerte sa politika sa Camarines Sur.
Si Luigi ay nag-aral sa International School sa Manila. Isang private school sa Taguig, Metro Manila. Noong 2019 ay nakapagtapos siya sa kursong Bachelor of Arts sa New York University.
Mahilig din si Luigi sa mga sports, sa katunayan naging bahagi siya ng basketball team ng International School Manila. Mahilig din siya sa pagtatravel sa iba't-ibang bansa.
Epektibo ring Governor sa Camarines Sur si Luigi dahil sa napakarami niyang nagawang proyekto na nakakatulong sa kanyang mga mamayan, mula sa mga bata, matanda at mga PWD.
Marami rin siyang programang inilunsad para makatulong sa mga mahihirap.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!