Kilalanin Ang Naunang Babaeng Minahal Ni Dominic Roque

Huwebes, Agosto 3, 2023

/ by Lovely


 Matapos ang ilang taong relasyon, engage na ngayon ang celebrity couple na sina Dominic Roque at Bea Alonzo. Kung babalikan, January 2021 inamin nina Dominic Roque at Bea Alonza ang kanilang relasyon.


Bago paman nagkakilala at nagkarelasyon sina Bea Alonzo at Dominic Roque may nauna na itong nobya noon na isa ring actress.


Taong 2012, nagkasama sina Dominic Roque at Michelle Vito sa teleseryeng pinamagatan na Aryana na pinagbibidahan ni Ella Cruz.


14 years old pa lamang nang mga panahong iyon si Michelle Vito habang 21 years naman si Dominic.


Taong 2018, nagkasama pa sina Michelle Vito at Dominic Roque sa pag-attend ng Star Magic Ball. Naging usap-usapan na rin na nagdi-date na umano ang dalawa dahil nakikita na silang magkasama off-cam.


Napansin din ng mga netizens ang pagpi-flex ni Dominic sa mga larawan ni Michelle Vito sa kanyang mga social media accounts.


Gayunpaman, hindi pa rin malinaw kung gaano katagal silang magkarelasyon at kung ano ang dahilan ng kanilang paghihiwalay.


Sa ngayon, may kanya-kanya na silang lovelife. Kasalukuyang karelasyon ngayon ni Michelle Vito ang actor na si Enzo Pineda.


Samantalang ikakasal na sa susunod na taon si Dominic Roque sa kanyang fiancee na si Bea Alonzo.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo