KC in-unfollow sa Instagram sina Kiko at Frankie Pangilinan

Lunes, Agosto 28, 2023

/ by Lovely


 Mainit na pinag-uusapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang isyung may hindi pagkakaunawaan sa pagitan nina KC Concepcion at mag-amang Kiko at Frankie Pangilinan.


Marami ang nakapansin na hindi naka-follow si KC Concepcion sa kanyang step father na si Kiko Pangilinan at half-sister na si Frankie Pangilinan.


Kaya naman iniisyu ngayon tila may tampuhan o di kaya ay may nangyaringpag-aaway sa kanila dahil hindi rin umano namataan si KC Concepcion sa naganap na birthday celebration ni Kiko Pangilinan noong August 24, 2023.


Bukod sa pag-unfollow ni KC Concepcion sa Instagram kina Kiko at Frankie, binura rin nito ang kanyang Father's Day greeting para kay Kiko Pangilinan at maging ang birthday greeting nito para sa ama-amahan noong 2022.


Matatandaan na kamakailan lamang ay hayagang sinuportahan ni KC Concepcion ang comeback project ng kanyang mga magulang na sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.


Ipinabatid din ni KC sa lahat ng kanyang mga tagahanga ang kanyang tuwa dahil civil na sa isa't-isa ang kanyang mga magulang.


“I think KC should grow up and stop putting the blame on her parents’ separate lives/family to how/where she is now. Kasi sa tingin ko naman she’s loved by her parents kahit magkahiwalay sila. Di ko tuloy maipigilan na i-compare sha kay Luis Manzano who turned out great kahit pa magkahiwalay ang parents nya.”


“Ohmeygehs! Hahaha! What’s the tea on this everyone has unfollowed everyone. Miel too pero kc still follows her.”


“Si KC mabait sya, pero as a daughter ayaw nya napagsasabihan. Sya na rin mismo nagsabi sa vlog nya na si Kiko ang tumayong ama nya for the longest time. Oh ngayon what happen? parang may nagsusulsol sa kanya.”




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo