Kathryn Bernardo, Nagbigay Na Ng Pahayag Sa Kanyang Viral Vape Photo

Huwebes, Agosto 24, 2023

/ by Lovely


 Nagbigay na ng pahayag ang Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo hinggil sa nag-viral na larawan niya kung saan nakahawak siya ng vape.


Matatandaan na umani ng pambabatikos mula sa ilang mga netizens ang photo ni Kathryn dahil tila hindi nila matanggap na naninigarilyo ito o nagvivape ang aktres.


Sa kabilang banda may mga nagsasabi naman na baka ginagawa lamang ito ng aktres para sa kanyang panibagong pelikula.


Kaya naman nang makorner ng media ang aktres at natanong rito ang patungkol sa kanyang viral photo, sinagot na ng aktres.


Ayon kay Kathryn Bernardo, hindi niya kailangan na i-justify ang kanyang ginawa whether para ito sa kanyang pelikula o sa personal na buhay.


"Well, una na sad ako nung nalink yung video about it kasi parang na ang privacy ko but then, it happens so okay lang kung nangyari na and kung ginagawa ko yun or di ko ginagawa o ginagawa ko lang ba yun sa movie hindi naman iyon idi-define ang pagkatao ko."


Pagdidiin pa ni Kathryn, "It won't make me a less person so I guess yun depende na lang yun sa mga tao and sana abangan niyo na lang yung movie."


Samantala, humiling naman si Kathryn na sana ay hindi muling mangyari na may maglink ng kanyang video at photos dahil na iinvade na ng mga ito ang kanyang privacy at personal space.


"Sana it won't happen again dahil kailangan din namin sometimes ang privacy at personal space namin."


Samantala, isiniwalat naman ni Kathryn Bernardo na wala pa silang balak ni Daniel Padilla na magpakasal dahil marami pa umano silang dapat ayusin, tapusin at paggastusan.


Nakukuntento lamang muna umano sila sa pag-aattend sa kasal ng kanilang mga kaibigan.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo