Kapuso Reporter Mike Enriquez Sumak@Bilang Buhay Na Sa Edad Na 72

Martes, Agosto 29, 2023

/ by Lovely


 Mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media ang balitang tuluyan nang pumanaw ang Kapuso Reporter at News Anchor na si Mike Enriquez sa edad na 72.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat ang mga pinagdaanan ni Mike Enriquez at sa mga naging pakikipaglaban niya sa kanyang mga sakit.


“‘Yung pinagdaanan ko mahirap. Aside from the procedure itself, may three months mandatory isolation period, and the purpose of that is to avoid the rejection and infection. ‘Yung kidney transplant patients, immuno-compromised sila eh. May comorbidities pa ko, senior citizen, diabetic.”


“Imagine this, three times a week, sometimes four times a week, I am hooked up to a dialysis machine for four hours. Ask people who undergo dialysis, para kang binugbog ni Manny Pacquiao, physically.”


Noong 2018, sumailalim sa isang heart bypass surgery si Mike Enriquez. Inamin rin niya sa publiko na nagpapaamot rin siya sa kanyang kidney disease.


Taong 2022, muling napanood ng regular si Mike Enriquez sa programang 24 Oras matapos ang kanyang successful kidney transplant subalit bigla na lamang muli siyang nawala sa hindi malamang dahilan.


Samantala, nauna nang nabiktima sa isang fake news si Mike Enriquez nang kumalat noong huling bahagi ng 2022 ang kanyang pagpanaw.


Subalit sa pagkakataong ito, tila kinumpirma ng kapwa Kapuso reporter na si Arnold Clavio ang balita nang palitan niya ang kanyang profile picture ng isang black photo.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo