Naging mainit na usapin sa mundo ng showbiz ang tungkol sa pahayag ni Kabayan Noli De Casro sa pagpapakasal nina Maine Mendoza at Arjo Atayde.
Bagama't wala namang dahilan, tila lumalabas umanong sina Maine Mendoza at Arjo Atayde ang sinisisi ni Kabayan sa pananalasa ng Bagyong Egay sa Baguio.
Samantala, hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na mga bigatin ang naging bisita nina Maine Mendoza at Arjo Atayde sa kanilang pag-iisang dibdib.
Kaya naman, hindi kataka-takang nakatanggap sila ng malaking halaga bilang regalo.
Samantala, tila sampal din umano sa mukha ni Noli De Castro ang gagawin nina Maine Mendoza at Arjo Atayde sa perang natanggap nila sa kasal.
Matatandaan na ipinahayag noon ni Noli De Castro ang kanyang awa sa mga nasalanta ng bagyo sa gitna ng kasiyahan nina Maine Mendoza at Arjo Atayde.
Agad naman siyang nakatanggap ng pambabatikos mula sa mga netizens at fans nina Arjo Atayde at Maine Mendoza.
Ayon sa aming nakalap na impormasyon, patungkol sa plano ng mag-asawa sa natanggap nilang regalo sa kanilang kasal, ido-donate nila ang perang natanggap mula sa kanilang mga guest upang ipamigay sa mga taong nasalanta ng bagyo sa araw ng kanilang kasal.
Sa kabila ng malaking gastos para sa kasal, hindi na nila naisipang bumawi mula sa mga ibinibigay ng kanilang mga guest. Bagkus mas iniisip nila ang mga nangangailangan at nalugmok dahil sa bagyong Egay.
"In lieu of presents, we would appreciate extending your help fund a donation drive that we are planning to do after our wedding.
"The proceeds will be distributes to a number of indigenous groups in Luzon. We will personally share the gift you are blessing us to bless other people who need it."
Hanggang ngayon ay nanatiling tahimik si Noli De Castro sa kabila ng pambabatikos na natanggap niya online dahil sa naging pahayag niya noong kasal nina Arjo Atayde at Maine Mendoza.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!