Just In! Kris Bernal Nagsilang Na Sa First Baby Nila Ni Perry Choi!

Lunes, Agosto 21, 2023

/ by Lovely


 Nito lamang lunes ng umaga August 21, 2023, isinilang ng aktres na si Kris Bernal ang kanilang unang anak ng asawang si Perry Choi.


Nanganak ang aktres sa Makati, Medical Center sa pamamagitan ng normal delivery. Ang kanilang unang supling ay may timbang na 5.9 pounds.


Ito umano ang nakasaad sa text message ni Perry Choi mismo. Nakasaad din sa nasabing mensahe na bandang alas 5:25 ng umaga.


"My baby came out at 5:25 a.m today. Thank God they are both safe and okay."


Hindi naman nakakagulat na kaagad na ibinahagi ni Perry Choi ang masayang balita na ito dahil noon pa man ay makikita nang napaka-excited nito na makita ang unang supling nila ng asawa.


Lalo nang hindi kagulat-gulat na naroon ito at nakaalalay kay Kris Bernal habang nagli-labor ito. Ilang araw din umanong nakaramdam ng pananakit ng tiyan si Kris Bernal. Sa kabila nito, maayos at normal pa rin niyang naipanganak ang bata.


Bumilib naman ang kapatid ni Kris Bernal dahil ilang oras matapos ang kanyang panganganak at masigla na muli ito at nakikipag-usap na.


Sa ngayon ay marami na ang nag-aabang sa pagbabahagi ng mag-asawa ng larawan ng kanilang anak sa kani-kanilang mga social media accounts.


Sa kabila nito, marami ang masaya sa simpleng kaalaman na maayos na nakapanganak si Kris Bernal.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo