Julia Montes, Naghahanda Na Sa Kanyang Pagsabak Sa Batang Quiapo

Huwebes, Agosto 17, 2023

/ by Lovely


 Mainit na pinag-uusapan ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang balitang papasok si Julia Montes sa FPJ's Ang Batang Quiapo bilang bagong leading lady ni Coco Martin.


Lumabas ang balitang ito, matapos isiwalat ni Lovi Poe ang kanyang engagement sa kanyang longtime boyfriend. Marami rin ang nakapansin sa biglang pagbabago ng estorya para sa karakter ni Lovi Poe sa Batang Quiapo na tila nagpapahiwatig umanong hindi na ito maaring makatuluyan ng karakter ni Coco Martin.


Pinatulan kasi ni Mokang, karakter ni Lovi Poe, ang ama ni Tanggol, karakter ni Coco Martin.


Kaya naman marami ang nagsasabing hindi na umano maganda kung sa bandang huli ay magkakatuluyan pa rin sina Tanggol at Mokang.


Samantala, ayon sa aming nakalap na impormasyon, kasalukuyang nasa Europe si Lovi Poe upang para sa pagpaplano ng kanyang nalalapit na pagpapakasal.


Kaya naman, nagsilabasan ang balitang papalitan na ni Julia Montes si Lovi Poe bilang leading lady ni Coco Martin sa Batang Quiapo.


Ayon pa sa mga haka-haka ng mga netizens, magiging pulis umano ang karakter ni Julia Montes sa nasabing teleserye. Makukulong umano si Tanggol at doon niya makikilala ang karakter ni Julia Montes.


Sa kabilang banda, marami naman ang nagsasabing hindi nararapat na palitan ang karakter ni Lovi Poe sa teleserye dahil sa magaling na performance ni Lovi Poe at sa pagdadala niya sa kanyang karakter.


Samantala, hindi pa naman nagbibigay ng pahayag si Coco Martin hinggil sa mga kumakalat na mga espekulasyon na ito. Hindi pa rin naman kinumpirma ni Coco Martin kung totoong papasok sa teleserye si Julia Montes.


Sa ngayon, inaabangan na lamang ng mga manonood kung ano man ang mangyayari sa palabas. Tiyak naman umano na magiging maganda ito dahil magaling na direktor si Coco Martin.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo