Jose Manalo, Inireklamo rin sa MTRCB Inakusahan ng Pagiging Racist

Huwebes, Agosto 3, 2023

/ by Lovely


 Inirereklamo rin ngayon ang isang host ng E.A.T na si Jose Manalo dahil sa pagiging racist umano nito.


Hindi rin nakaligtas sa attention ng mga televiewers at online viewers ng noontime show na E.A.T ang naging pahayag ng host na si Jose Manalo sa Sugod Bahay Kapatid segment.


Magkasama sa nasabing segment sina Wally Bayola, Jose Manalo at isang Nigerian content creator at co-host na si Zombie Tugue.


Hindi nagustuhan ng maraming netizens ang biro ni Jose Manalo sa kulay ni Zombie Tugue.


Habang nakikipag-usap si Jose Manalo sa mga hosts na nasa studio, humirit siya ng biro patungkol sa kulay ng kanyang kasamahan.


“Siguro pag napanalunan mo ‘to sa bingo ‘to, ‘yan ang tinatawag na black out,” pahayag ni Jose Manalo.


Hindi naman maitago sa mga mukha ng mga kasamahang hosts ni Jose Manalo na nasa studio ng panahon na iyon ang gulat at tahimik na pagsaway sa naging pahayag nito.


Hindi rin ito sinagot ni Vic Sotto, bagkus ay iniba na lamang ang usapan.


Agad naman itong umani ng samu't-saring reaksyon mula sa mga netizens at may nag-tag pa sa MTRCB at inirereklamo ang pahayag ni Jose Manalo ng pagiging racist umano.


Maging ang chairperson ng MTRCB ay na-tag rin ng ilang mga netizens dahil sa umano'y pagiging biased nito sa show na kinabibilangan ng kanyang ama na si Tito Sotto.


“Even Paolo B and Miles di nagustuhan yung joke e. Ano na Lala Sotto? Lol. Vice Ganda and Ion did nothing wrong. Kayo lang nagbibigay ng malice sa action.”


"@MTRCBgov how about this one? Masyado kayong selective mag censor ha."


"Ayan kabastusan ng EAT BULAGA d nakikita....mga manyak nga halos....mga host ng halos ng show nabuntis,naanakan....bunganga ni joey de leon balahura....masyado din bastos....para lang mapansin ar sumikat ang eat bulaga kailangan siraan ang nasa showtime"


Samantala, may mga nagtatanggol din naman kay Jose Manalo at ipinahayag na biro lamang umano niya ito kay Zombie.


Ipinunto pa ng ilan na hindi naman na-offend si Zombie sa pahayag ni Jose Manalo at natatawa pa nga umano ito.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo