Naging malaking usap-usapan kamakailan lamang ang umano'y pagiging racist ni Jose Manalo sa kanyang pahayag patungkol sa kulay ni Zombie Tugue.
Sa isang episode ng E.A.T sa segment na Sugod Bahay, nagbiro si Jose Manalo tungkol sa pagiging maitim ng kulay ng balat ng kasama niya Nigerian co-host na si Zombie Tugue.
Hindi naman ito nagustuhan ng ilang mga netizens at televiewers dahil below the belt na ang birong ito ni Jose Manalo. May mga tumawag pa sa pansin ng MTRCB upang mabigyan ng karampatang parusa ang ginawa ni Jose Manalo.
Sa gitna ng kontrobersiyang ito, naglabas ng pahayag si Zombie Tugue kung saan sinabi niyang hindi naman siya na-offend sa mga pahayag ni Jose Manalo, dahil nagbibiruan lamang umano sila.
Hindi rin umano niya alam kung bakit nagiging big deal sa mga netizens ang birong iyon ni Jose Manalo gayung nagbibigay naman umano sila ng goodvibes para sa lahat.
Gayunpaman, naglabas ng pahayag si Jose Manalo kung saan humingi siya ng paumanhin kay Zombie Tugue at maging sa lahat ng mga kasamahang nadamay sa kanyang ginawa.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!