Nagbigay na ng pahayag ang Filipino-Canadian businessman na si Jon Semira sa mga kumakala ngayong isyu patungkol sa hiwalayan nila ng actress na si Yassi Pressman.
Ayon pa sa mga kumakalat na mga usap-usapan, third party ang dahilan kung bakit tuluyang naghiwalay ang dalawa.
May mga nagsasabing engaged na sana ang dalawa noong nakaraang March, subalit bigla na lamang umatras si Yassi Pressman dahil may nakita na umano itong bago.
Ayon pa sa pahayag ng isang mapagkakatiwalaang source, umatras si Yassi Pressman sa engagement nina Jon Semira sa pamamagitan ng isang text message lamang.
Kaya upang maging malinaw na ang lahat, nagbigay na ng pahayag si Jon Semira upang matigil na ang pagkalat ng maling impormasyon.
Sa Instagram post ni Jon Semira nitong August 16, 2023 tuluyan nang kinumpirma nito ang nangyaring hiwalayan nila ni Yassi Pressman.
Gayunpaman, nilinaw din niya na mutual decision nila ang nangyari sa kanilang paghihiwalay. Maging ang isyu ng pagkakaroon ng third party ay nilinaw din ni Jon Semira.
“After an amazing run, Yass and I have decided to part ways.
"We look to move on to our next phase in life in peace and with the support of our family and friends. t’s been a while since the breakup. It was a decision made from the both of us, and us only.
"The third party rumors are false," pagdidiinan pa ni Jon Semira.
Hiling din niya sa mga fans ni Yassi Pressman at sa lahat ng mga netizens na huwag nang palakihin pa ang isyu. Pabayaan na lamang din umano silang mag-move on sa kani-kanilang buhay.
"We wish each other the best and will always appreciate what we had. Our relationship was beautiful and we are both coming out better people because of it.
"We ask that you let us deal with this in private as we move forward from this."
Matatandaan na noong July 21, 2022, sa mismong kaarawan ng businessman, isiniwalat nina Yassi Pressman at Jon Semira ang kanilang relasyon.
Subalit, napansin ng mga netizens na hindi na binati man lang ni Yassi ang boyfriend. Nang tingnan ng ilang mga fans ni Yassi napansin nilang hindi na naka-follow sa actress si Jon Semira.
Lalo pang lumakas ang hinala ng mga netizens nang maging sunod-sunod ang cryptic post ni Yassi Pressman sa kanyang Instagram na nagpapahiwatig na isa na siyang single.
Samantala, patuloy pa ring naging usap-usapan ngayon na may third party ngang namagitan sa naging hiwalayan ng dalawa, sa kabila ng pahayag ni Jon Semira, dahil sa mga kumakalat na videos ni Yassi Pressman kasama ng presidential son at Ilocos Representative na si Sandro Marcos.
Narito naman ang ilang mga komento ng mga netizens sa official statement ni Jon Semira.
"Happy that you ended on good terms. Love with always be there no matter what form!"
"Thanks for taking care and loving of my idol yassi. Good luck on the new chapter in your life. There are windows and doors open for you."
"Cant blame the netizen if they think na merong 3rd party. Bcos of the pictures"
"You are a gentlemen @imjonnytsunami for doing this, but you cannot blame the netizen for thinking otherwise coz she was seen recently holding hands with the gov.of cam sur. That was quick for her to move on. May you both find peace though."
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!