Trending ang muling pagsasama nina John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao sa Switzerland sa kanilang pag attend sa 76th Locarno Film Festival kamakailan lamang para sa premiere ng kanilang pelikulang Essential Truths of the Lake.
Subalit, hindi sila nagtrending dahil sa kanilang pelikula kundi sa panunumbalik ng matagal nang isyu sa pagitan nilang dalawa na hanggang ngayon ay hindi pa rin nalilimutan ng ilang mga netizens.
Matatandaan na noong 2010 kumalat ang balitang isinugod sa St. Luke's Hospital sina John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao na may takip na isang kumot dahil hindi nila nahihiwalay ang mga sarili matapos ang kanilang love making.
Sa mga panahong iyon ay magkarelasyon pa ang dalawa. Lumaki ang isyu dahil naibalita ito sa mga malalaking pahayagan.
May mga nagsasabi pang nasaksihan mismo nila ang ginawa ng mga doktor sa dalawa para lang mapaghiwalay ang mga ito.
Subalit, ayon naman sa ilang mga nagtatrabaho sa St. Luke's hindi nila maaring kumpirmahin kung totoo bang dinala roon sina John Lloyd at Shaina Magdayao.
Agad din naman itong pinabulaanan noon ni Shaina Magdayao at ipinunto pang malaking hospital ang St. Luke's kaya hindi umano masesekreto ang eskandalong ito.
Hindi rin niya nakalimutang pasalamatan ang lahat nang mga netizens na dumipensa sa kanya noon.
“I would like to take this opportunity. Hindi po totoo ‘yun. Nakakalungkot na mayroong mga tao na, Diyos ko hindi ko alam kung saang parte ng isip nila nakuha ‘yun.”
“May mga nagsasabi na confirmed daw, may proof pa. Asan ‘yung proof niyo?! Sa hi-tech na panahon natin, kung may picture dapat kumalat na. Kung na rush ka sa E.R, hindi ba dapat mayroong mga forms na dapat i-fill up, bayaran,” said Shaina. “Eh wala naman maipakita na nandun ‘yung pangalan namin. Hindi rin nagpapunta ng doktor sa bahay. Nakakalungkot na naisipan pa kami ng mga ganung bagay.”
“Kung iisipin natin, kahit naman sa normal na tao, kung totoo nga namang nangyayari ‘yung ganung bagay, pupunta ka ba sa ospital? Ano pa kaya kami na public figures na kahit anong gawin namin nababalitaan ng tao? I think walang ka sense-sense ‘yun. Hindi nga natin alam kung nangyayari siya sa totoong buhay,” saad ni Shaina.
Dagdag pa ng aktres, “Gusto kong magpasalamat para na rin kay John Lloyd sa mga nagtanggol sa amin. Inuulit ko, hindi po totoo na may ganoong nangyari. Maraming-maraming salamat sa lahat ng dumepensa sa amin. Di po kami gaano nakapagpasalamat sa mga dumedepensa sa amin."
Sa kabila nito, marami pa rin ang naniniwalang totoo ang nangyaring lockdown sa pagitan ng dalawa. Sa muling pagsasama ng dalawa sa Switzerland muli ring nanumbalik ang isyung matagal na at dapat nang kalimutan.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!