Usap-usapan na naman ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang panibagong Instagram post ng TV host na si Joey De Leon laban sa TAPE Inc. at Eat Bulaga.
"G na Gitle (Genuine na Legit)
Dehins Gedtali (Hindi Tagilid)" caption ni Joey De Leon sa kanyang kamakailang Instagram post.
Napapaisip tuloy ang mga netizens kung ano na naman ang nakapagtrigger kung bakit muling nagpatutsada si Joey De Leon sa kabilang noontime show.
Base sa nasabing Instagram post ni Joey De Leon, ipinalandakan niyang sila ang tunay na legit na mga dabarkads.
Dehins Gedtali, hindi tagilid para naman umano ito sa Eat Bulaga. Tila ipinunto ni Joey De Leon na talagang tagilid na ang G sa Gedli nila Isko Moreno.
Ang G sa Gedli segment ng Eat Bulaga ang maituturing na pinakamalakas na segment ng nasabing show. Subalit ngayon, tila nilalalampaso na ito ng Sugod Bahay Kapatid, segment ng E.A.T sa pangunguna ni Jose Manalo.
Samantala, nitong nakaraang byernes sa episode ng Eat Bulaga, si Paolo Contis naman ang nakasama ni Buboy Villar sa G sa Gedli dahil pinagpahinga muna si Isko Moreno.
Kapansin-pansin na rin ang pagbagsak ng ratings ng Eat Bulaga samantalang trending naman si Jose Manalo habang gumaganap siyang si Mayor Jose Manalo sa Sugod Bahay segment.
Sa kabilang banda, naniniwala naman ang mga fans ni Joey De Leon na may dahilan kung bakit muli na namang nag-iingay ngayon ang E.A.T co host.
May mga naghinalang ang talagang pinapatungkulan ni Joey De Leon ay si Mayor Isko Moreno na may sariling segment sa Eat Bulaga, na G sa Gedli.
Si Isko Moreno ang isa sa mga ipinalit sa TVJ at iba pang legit dabarkads bilang co-host ng Eat Bulaga. Ang G sa Gedli ang kanyang public service segment kung saan namimigay sila ng pa premyo sa mga taong nakakausap nila ni Buboy Villar sa lugar na kanilang pinupuntahan.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!