Jhong Hilario Nadamay Sa Isyu Nina Vice Ganda at Ion Perez sa MTRCB, Dahilan Alamin

Martes, Agosto 1, 2023

/ by Lovely


 Nadamay ang Makati Councilor at isa ring It's Showtime host na si Jhong Hilario sa isyung kinakaharap nina Vice Ganda at Ion Perez dahil sa pagsubo ng cake icing gamit ang kani-kanilang daliri.


Sa kamakailang episode ng programang Cristy Ferminute naitalakay nina Cristy Fermin at Romel Chika ang paglabas ng MTRCB ng Notice to Appear and Testify para sa mga production ng It's Showtime dahil sa indecent acts na ginawa nina Ion Perez at Vice Ganda.


Maging si Jhong Hilario ay nadamay na rin sa isyu dahil sa kanyang pagtawa habang ginagawa nina Ion Perez at Vice Ganda ang umano'y senswal na pagsubo sa icing ng cake.


"Pati si Jhong Hilario, konsehal ng Makati, inaano siya, inuupakan din siya na,'Tawa ka pa nang tawa na parang gustong-gusto mo 'yung mga ginagawa nina Ion at Vice. Anong klase ka?' Lahat talaga madadamay eh, dahil hindi po maganda 'yung ipinapakita," saad ni Cristy Fermin.


Gayunpaman, ipinahayag ni Manay Cristy Fermin na hindi masama at walang mali sa pagpapakita at pagpapahayag ng pagmamahal subalit kailangan umanong gawin ito sa tamang lugar at tamang pagkakataon.


"Maging responsable, 'yun lang naman 'yun. Walang masama sa pagmamahalan pero gawin niyo yan na nasa tamang lugar. Hindi yung naka-ere kayo tapos may mga bata a sa tabi niyo, maling-mali naman 'yun."


Nauna nang naiulat ang pagpapatawag ng MTRCB sa producers ng It's Showtime upang magpaliwanag kung bakit hindi sila dapat maparusahan.


Sakali umanong napatunayan na may mga indecent acts na ginawa sina Vice Ganda at Ion Perez sa show, maaari silang makulong at makapagbayad ng mga fines. Bukod rito, maari ring masuspende ang Kapamilya show na It's Showtime.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo