Nagluluksa ngayon ang buong entertainment at news industry dahil sa biglaang pagpanaw ng batikang radio broadcaster at news anchor na si Mike Enriquez.
Kinumpirma ng GMA Network at nang mga kasamahan ni Mike Enriquez sa 24 Oras ang nakakalungkot na balita, kaya naman makikitang napakalungkot ng kanilang ambiance sa nasabing programa.
Nalaman umano ng mga ito ang pagpanaw ni Mike Enriquez bago magsimula ang kanilang programa kaya naman ramdam na ramdam ang kanilang pagdadalamhati habang umiere ang programa.
Sa kabilang banda, may mga nakapansin naman umano na tila namumugto na ang mga mata ni Mel Tiangco nang dumating siya sa studio.
Hindi rin nila nakontrol ang kanilang emosyon nang tuluyan na nilang isiwalat ang nakakalungkot na pagpanaw ng kanilang kasamahan.
Naiiyak sina Vicky Morales at Mel Tiangco habang nagbibigay ng mensahe para sa mga naulila ng batikang journalist.
Maging ang broadcaster/journalist na si Jessica Soho ay hindi umano mapigil ang emosyun habang nagtitaping para sa kanyang programa dala ng nangyari kay Mike Enriquez.
Maging ang mga news anchor ng TV-Patrol ay nagpaabot ng pakikiramay sa mga naiwang pamilya at mahal sa buhay ni Mike Enriquez.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!