Jeric Raval, Nais Na Pakasalan Ni Aljur Abrenica Ang Kanyang Anak Na Si AJ Raval

Huwebes, Agosto 24, 2023

/ by Lovely


 Naglabas na ng pahayag ang ama ni AJ Raval na si Jeric Raval hinggil sa kontrobersyal na relasyon ng anak kay Aljur Abrenica.


Ayon kay Jeric Raval, mayroon siyang tatlong kahilingan at pakiusap kay Aljur Abrenica na para sa ikakabuti ng kanyang anak, isa na rito ay ang pagnanais niyang pakasalan ni Aljur si AJ.


Inamin ng dating action star na si Jeric Raval sa kanyang panayam sa Fast Talk with Boy Abunda na nakausap niya ang kasalukuyang karelasyon ng kanyang anak.


Isa kasi sa mga napag-usapan at tinanong ni Boy Abunda kay Jeric ay ang patungkol relasyon ni AJ Raval at Aljur Abrenica.


Isinalaysay naman ni Jeric Raval ang naging pag-uusap nila noon ni Aljur nang nililigawan pa lamang nito ang kanyang anak.


Tinanong umano niya ang aktor kung hiwalay na ba ito sa asawang si Kylie Padilla. Agad naman umanong sumagot si Aljur na talagang hiwalay na sila ng asawang aktres.


May ipinakiusap namang tatlong bagay si Jeric Raval kay Aljur Abrenica.


Una, sinabihan ni Jeric si Aljur Abrenica na ingatan si AJ Raval dahil bata pa ito. Pangalawa, dapat maging maayos ang pakikipaghiwalay ni Aljur kay Kylie dahil anak umano ito ng kanyang kaibigan na si Robin Padilla. Ayaw umano ni Jeric Raval na masira ang kanilang pagkakaibigan ni Robin at masabihan siyang kunsintidor na ama.


Panghuling paki-usap ni Jeric Raval kay Aljur Abrebnica ay ang pakasalan ni Aljur Abrenica si AJ Raval. Alam naman umano ni Jeric Raval na hindi ito kaagad na mangyayari dahil hindi pa na-annulled ang kasal ni Aljur Abrenica kay Kylie Padilla.


Subalit, kapag naayos na umano ng mga ito ang annulment ay dapat si AJ naman ang pakasalan ni Aljur.


Muli iginiit ni Jeric Raval na hindi pangungunsinti ang kanyang ginawa kaya pumayag siyang magkaroon ng relasyon sina Aljur Abrenica at AJ Raval, bagkus pinababayaan niya ang mga ito dahil malalaki na ito at may kanya-kanya nang karapatan sa pagdedesisyon.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo