Kasalukuyang nasa kustodiya ng Quezon City police ngayon at nakakulong sa Quezon City Jail sa Payatas ang dating sikat na newscaster at radio/tv commentator na Jay Sonza.
Kinumpirma ito ni Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Spokesperson Jayrex Bustinera. Ayon sa pakukumpirma nito, nahuli si Jay Sonya habang paalis ng bansa.
Naaresto si Jay Sonza ng Bureau of Immigration officers sa airport. Pupunta sana sa Hongkong ang batikang journalist nang madiskubreng mayroon itong active warrant of arrest dahil sa mga kasong ‘Estafa’ at ‘Syndicated and Large Scale Illegal Recruitment’ dalawang linggo na ang nakaraan.
Isinuko si Jay Sonza ng immigration officials sa kustodiya ng National Bureau of Investigation hanggang sa iturn-over siya sa BJMP.
Sa kabilang banda, hindi pa nagbibigay ng anumang pahayag si Jay Sonza patungkol sa isyung kinakaharap niya ngayon.
Matatandaan na noong 2020, kinasuhan ng aktres na si Julia Barretto si Jay Sonza dahil sa pagpapakalat nito ng kanyang pagbubuntis.
Si Jay Sonza ay nakilala dahil sa tandem nila ni Mel Tiangco na ‘Mel and Jay’ sa ABS-CBN. Tumakbo siya bilang senador subalit hindi siay naihalal.
Matapos ang kanyang pagresign bilang tv-commentator, naging active siya sa social media kung saan binabatikos at tinatalakay niya ang iba't-ibang isyu ng bansa.
Samantala, marami naman ang naawa kay Jay Sonza dahil naging mabuting cetizen naman umano ito. Gayunpaman, may mga nagsasabi naman na tila nakarma na umano ito ngayon dahil sa labis na pambabatikos niya sa opposition.
"Ang karma nga nman bilis bumalik sa taong sobra kung mang api.tsk..tsk"
"BUTI NGA SA HONGHANG NA YAN. KARMA IS REAL. . . NAGPAKASIRA NA TALAGA"
"Sana mainterview din cya para naman malaman din ng taong bayan side nya"
"Tahimik ka lang kase kala mu Kung sino ka eh ....Yan tuloy dami mu palang kaso"
"Estafa meron pala cyang recruitment agency totoo ba to"
"KARMA yan kay Jay Sunogza"
"if his not guilty why need to leave ph?😂"
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!