Janice Jurado, Natanggal Na Sa Batang Quiapo Wala Ng Eksena!

Linggo, Agosto 13, 2023

/ by Lovely


 Kinumpirma ng batikang aktres na si Janice Jurado na tuluyang natanggal na siya sa casting ng FPJ’s Batang Quiapo ilang araw matapos niyang ihayag ang pagtatangkang tanggalin siya sa Kapamilya program.


Sa kanyang kamakailang Facebook post nilinaw naman ni Janice Jurado na ang dahilan ng kanyang pagkakatanggal sa nasabing teleserye ay dahil hindi na kailangan ang kanyang role sa Ang Batang Quiapo.


Inamin na rin niya na wala na siyang ginawang eksena sa nasabing Kapamilya program.


Samantala, ipinahayag naman ni Janice Jurado lalong-lalo na sa kanyang mga tagahanga na huwag sisihin si Lovi Poe sa kanyang pagkakatanggal.


Matatandaan na kumakalat noon ang isyung nadismaya si Lovi Poe kay Janice Jurado dahil sa pag-amin ng huli sa naging relasyon nila noon ni Fernando Poe Jr, na umabot pa sa pitong taon, habang asawa na ni The King si Susan Roces.


May ilan rin sa mga tagahanga ni Janice ang nagsasabing kaya nawalan ng eksena at hindi na kailangan sa kwento ang papel na ginagampanan ni Janice Jurado ay ang napapabalitang pag-alis rin ni Lovi Poe sa teleserye para sa paghahanda ng kanyang kasal.


Kaya naman nilinaw ni Janice na dahil nasa Amerika naman ang papel ni Lovi Poe kaya wala muna siyang eksena at hindi pa niya alam kung may ibang binabalak si Coco Martin na siyang direktor ng teleserye para sa kanya.


“Sana po wag na po ninyo idamay ang pangalan ni ms Lovie Poe,dahil wala na ako sa Batang Q.kasi po wala si mokang nasa america,walana po ang eksena sa club,pag dating po nya at gusto pa ni direk Coco na ibalik sa mama janet,pasalamat na lang tayo.hintayin natin si mokang malalaman natin…wait lang po tayo,salamat po,” pahayag ni Janice Jurado.


Samantala, narito naman ang ilang mga komento ng mga fans ni Janice Jurado.


"Hi po Ms. Janice Jurado. I am sure Ito pong paglabas po ninyo sa Batang Quiapo will open new doors for opportunities. Mahusay naman po kayo sa inyo pong pagganap kaya alam ko po magkakaroon pa po kayo ng mga bagong opportunities for your very good acting skills. Take care po always. God bless you po."


"you're so great and kind actress always hope for the best, I really admire, ever since , @ until now, very good actress; "


"Balik ka mama Janet..cute mo nga mg arte love it so much"


"waiting po nmin si mama janet every day pinapanood nmin batang quiapo dto sa egpyt"



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo