Janice Jurado Nagreact Sa Pagpapatanggal Sa Kanya Ng Isang Actor Sa Batang Quiapo

Huwebes, Agosto 10, 2023

/ by Lovely


 Hindi na naitago ng batikang aktres na si Janice Jurado ang kanyang pagkadismaya dahil sa umano'y pagpapatanggal sa kanya ng isang aktor sa teleseryeng Ang Batang Quiapo na pinangungunahan ni Coco Martin.


Sa kanyang sunod-sunod na Facebook post, ipinahayag ni Janice Jurado ang kanyang inis sa aktor na pilit umanong umeeksena kay Coco Martin at pinapatanggal siya sa teleserye.


Hindi naman niya pinangalanan kung sino sa mga kasamahan nila sa Batang Quiapo ang kanyang tinutukoy, subalit nag-iwan siya ng payo rito na magfocus na lamang umano sa sariling pag-arte upang ma-improve ang sariling acting skills.


Samantala, sa kabila ng kanyang pagkakatanggal sa teleserye, ipinahayag ni Janice Jurado na naniniwala siya kay Coco Martin na siyang director ng nasabing teleserye.


“Bakit ba atat na atat kayo na mawala ako sa batang Q,ayan wala na ako!ano masaya ka na,wag kang kampante baka ikaw ang sumunod!!!!ako alam ko hindi ako pababayaan ni direk coco.”


“Isa sa cast batang Q ang atat na maalis ako,ngayon masaya ka na,nandyan pa ako sa batangQ,lagi mong sinasabi na maalis ako,marunong ka pa kay direk coco,may plano si direk wag mong unahan.. dapat mong gawin ang pag arte mo ang ayusin mo…”


“Tiwala ako kay direk coco alam nya ang ginagawa nya,ano man desisyon ni direk coco igalang na lang natin.”


Ginagampanan ni Janice Jurado ang papel ni Mama Janeth. Si Mama Janeth ang may-ari ng club na pinagtatrabahuan ni Mokang, ang papel na ginampanan naman ni Lovi Poe.


Samantala, marami sa mga netizens ang naghinala na ang kamakailang pag-amin ni Janice Jurado sa pagiging kabit niya noon ni Fernando Poe Jr. ang isa sa mga naging dahilan kung bakit siya tinanggal sa Batang Quiapo.


Ayon naman sa aming nakalap na impormasyon, marami umano sa mga kasamahan ngayon ni Janice Jurado ang hindi nagustuhan ang kanyang pag-amin dahil pambabastos umano ito sa mga yumaong sina Fernando Poe Jr. at Susan Roces.


Marami rin ang hindi nagustuhan sa pagdadawit pa ni Janice sa pangalan ni Lovi Poe na kinunsinti pa umano ang naging relasyon nila ng kanyang ama sa likod ni Susan Roces na nagsilbi ring ina niya.


Maging si Coco Martin ay tila hindi rin umano nagustuhan ang naging pagsisiwalat noon ni Janice Jurado kung saan tila naging proud pa umano ito sa pagiging kabit noon.


Samantala, may mga dumipensa naman kay Janice Jurado kung saan ipinunto nilang matagal na iyong nangyari. Kaya naman pabayaan na lamang umano ito at mag-move on na lamang.


Hiling din nila na sana ay hindi naman tanggalin sa Batang Quiapo si Janice Jurado dahil lamang doon dahil nangangailangan din naman ito ng trabaho ngayon katulad ng iba pang artista.


"Ms. Janice, ipagdasal niyo na lang po yung taong yun tapos ipagdasal niyo na din po na tumagal pa po kayo diyan sa Batang Quiapo. Basta good po ang inyong intentions eh maiintindihan po kayo ni Lord God. Mahusay po kayo at yun din po ang gusto ko na tumagal pa po kayo diyan sa Batang Quiapo at magkaroon pa po kayo ng ibang offers na gumawa ng iba’t-ibang tv drama shows. Take care po. God bless you po!"


"Hayaan mo lng clang intindihin miss Janice as long as magaling kang artista at maganda ..tama ka.tyak.may magandang plano c direk Coco sa yo at dahil alam nya na mahusay kng artista kaya for sure hindi ka nya tatanggalin ..more projects to come ..God bless"


"Malaking kawalan pag nawala ka po sa batang Q. Sobrang galing nyo nga po e. Unlike sa ibang cast na di marunong umarte. Hayaan mo lang po sila"




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo