Hindi naitago ng beteranang aktres na si Janice Jurado ang kanyang inis sa isang kasamahan sa Batang Quiapo na naging dahilan umano kung bakit natanggal siya sa nasabing teleserye.
Sa kanyang sunod-sunod na Facebook post, binanatan niya ang aktor na hindi naman niya pinangalanan at tinawag itong atat na mawala siya sa teleserye.
Sa kabila naman nito sinabi ni Janice Jurado na naniniwala siya kay Coco Martin at alam umano niya na may plano ito para sa kanya.
"Bakit ba atat na atat kayo na mawala ako sa batang Q,ayan wala na ako!ano masaya ka na,wag kang kampante baka ikaw ang sumunod!!!!ako alam ko hindi ako pababayaan ni direk coco"
"Isa sa cast batang Q ang atat na maalis ako,ngayon masaya ka na,nandyan pa ako sa batangQ,lagi mong sinasabi na maalis ako,marunong ka pa kay direk coco,may plano si direk wag mong unahan.. dapat mong gawin ang pag arte mo ang ayusin mo..."
"Tiwala ako kay direk coco alam nya ang ginagawa nya,ano man desisyon ni direk coco igalang na lang natin"
Dahil sa sunod-sunod na post ni Mama Janeth, papel na ginampanan ni Janice Jurado sa teleseryeng Ang Batang Quiapo, marami ang napapatanong kung sino ang tinutukoy niyang aktor na matagal na siyang pinag-iinitan.
Sa pagkakatanggal ngayon ni Janice Jurado sa Ang Batang Quiapo tila hindi na rin niya napigil ang kanyang galit at inis sa aktor na naging dahilan ng kanyang pagkakatanggal.
Samantala, unang napapabalitang matatanggal si Janice Jurado sa Batang Quiapo ng isiwalat ng dating sexy star ang dating relasyon nila ng yumaong aktor na si Fernando Poe Jr.
Marami sa mga netizens at maging ilang mga celebrities ang naiinis kay Janice sa pagsisiwalat nito dahil matagal na umanong namahinga si Fernando Poe Jr. Dagdag pa ng ilan na lumalabas umano itong insensitive para sa anak ni FPJ na si Lovi Poe na palagi pang nakaka-eksena ni Janice.
Bagama't sinabi naman ni Lovi Poe na okey lamang sa kanya ang lahat ay tila iba pa rin ang labas niyon.
Sa kabilang banda, marami naman sa mga tagahanga ni Janice Jurado ang nalungkot sa pagkakatanggal niya sa Batang Quiapo dahil hindi naman umano maitatanggi na napakagaling nito.
May mga nagsasabi pang baka nasasapawan ni Janice ang aktor kaya naman ninanais nito na matanggal na siya sa Batang Quiapo.
"Ay gustong gusto ko nga po ang character mo doon Mama Janet..just focus on your work po, don't mind those people na nagda down sa inyo.."
"Yan nga po ang sinasabi pag hitik nasa bunga kukuyugin kana para maibagsak ka,kaya tiwala lang po 🙏🙏🙏kung walang basher di ka sikat"
"Mama Janet khit d ko nabasa ung script o story Ng BQ lam ko na ung wakasan kay mokang sa kung naroon ka..ngaun dahil mabait ka kay mokang my plano na c direk coco SA career mo."
"For sure may iniluluto na mas magandang eksena para sa iyo Te.hayaan mo na un mga inggit"
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!