Viral at kumakalat ngayon sa ilang social media platforms ang video clip mula sa isang episode ng It's Showtime kung saan naging hurado ang aktres na si Janice De Belen.
Sa segment na Mini Ms. U ng It's Showtime kung saan isa si Janice De Belen sa mga naging hurado, pinag-akting nila ang bata kung paano umano nito sasawayin ang kanyang ama sa pagkain ng ipinagbabawal sa may high blood.
Nang magsimula na sila sa kanilang aktingan portion, binuhat ni Vice Ganda ang isang bowl ng chicharon at pinakain kunwari ng mga bisita ng pamilya na kinabibilangan naman ni Janice De Belen.
Subalit, tila hindi napansin ni Vice Ganda na aktong kukuha ng chicharon si Janice, dahil binawi niya ang bowl ng hindi pa ito nakakakuha na tila ikinapahiya nito.
Mapapansin pa umano sa mukha ni Janice na tila nainis siya sa ginawa ni Vice Ganda.
Samantala, nang matapos na ang segment at nakita ni Vice Ganda ang video, agad siyang humingi ng paumanhin kay Janice habang nakalive sila sa segment na Tawag ng Tanghalan. Sa panahong ito nakauwi na si Janice.
"Bago ang lahat, gusto ko lang humingi ng paumanhin kay Ms. Janice De Belen, nakita ko yung video. May part pala roon na hawak ko yung chicharon na inaalok ko sa kanila.
"Tapos kukuha si Janice De Belen, hindi ko siya napansin tapos tinanggal ko. Kitang-kita dun sa video, kalat na kalat sa Twitter. Janice, I love you. Hindi ko napansin kumukuha ka pala ng chicharon."
Pagbibiro pang pahayag ni Vice Ganda na binanggit ang papel na ginampanan ni Janice De Belen sa teleseryeng Dirty Linen, "Naku day, nagalit si Leona sa kin. Pinagbabalakan na ako ng masama ni Leona ng Dirty Linen."
Samantala sa Twitter nag-tweet si Vice patungkol sa insidenteng nangyari sa Mini Ms. U. Muli din siyang humingi ng tawad kay Janice De Belen.
"Oh my gosh hindi ko nakita, kukuha pala si Janice. I'm sorry."
Dagdag pa niya, "Natatakot ako sa maaring gawin sa akin ni Leona. Tulungan niyo ako."
Sinakyan naman ni Janice De Belen ang pagbibirong ito ni Vice Ganda at pinanindigan ang kanyang role bilang si Leona.
"At ngayong alam na ng lahat na ako ang pumatay kay Olivia, humanda ka na."
Kinatuwaan naman ito ng ilang mga netizens ang pagsakay ni Janice sa pagbibiro ni Vice Ganda kung saan tila labis siyang nanggigil rito.
Lagot si Meme kay Leona HAHAHAHAHA#ShowtimeCutieverse#DirtyLinen pic.twitter.com/F5opoaFhkV
— Zen (@iamzephyruss) August 23, 2023
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!