Jak Roberto at Barbie Forteza May Planong Iakyat to the Next Level Ang Kanilang Relasyon!

Huwebes, Agosto 24, 2023

/ by Lovely


 Napag-uusapan na rin umano ng celebrity couple na sina Jak Roberto at Barbie Forteza ang pagpapakasal.


Ayon sa pagsisiwalat ni Jak Roberto, may mga pagkakataon na umano na napag-uusapan na nila ni Barbie ang kanilang future na magkasama.


Subalit, tila matatagalan pa umano bago nila ito maisakatuparan dahil hindi pa umano nakapokus sa kanilang isip ang paglalagay sa tahimik at pagsisimula ng pamilya.


Sa ngayon, mas nakapokus pa umano ang kani-kanilang mga isipan sa kanilang mga showbiz careers. May mga pangarap pa umano silang dapat na matupad bago sila lalagay sa tahimik.


Hindi rin umano kabilang sa kanilang priorities sa ngayon ang pagpapakasal at pagkakaroon ng sariling anak. Mas matimbang pa umano sa kanila, sa ngayon ang kanilang passion sa trabaho.


Mataas pa umano ang nais abutin ni Barbie Forteza sa kanyang showbiz career kung saan ninanais nitong mapantayan pa ang naabot noon ni Ms. Gloria Romero. Kung saan sinusuportahan naman ito ni Jak Roberto.


Hindi naman halos masukat ang pang-unawa at pagsuporta ni Jak para sa career ni Barbie dahil tinitiis na lamang nito ang pagseselos at mga negatibong komento ng BarDa fans sa kanya para lamang maging maayos ang showbiz career ni Barbie.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo