Ivana Alawi Nagsalita Na Hinggil Sa Balitang Siya Ay Papasok Na Sa Fpjs Batang Quiapo Ni Coco Martin

Biyernes, Agosto 25, 2023

/ by Lovely


 Nagbigay na ng pahayag si Ivana Alawi hinggil sa balitang mapapanood na siya sa nangungaunang action series na FPJ's Batang Quiapo, ito'y matapos na magkaroon ng mga usap usapan na aalis na si Lovi Poe sa palabas bilang si Mokang at mawawalan na ng leading lady si Coco sa serye. 


Ayon sa mga netzines, nababagay na leading lady kapalit ni Lovi Poe ang isang artista na hindi maarte, yung tipong magagampaan nito ang maging partner ng isang Tanggol sa palabas na hindi kaiinisan ng mga fans. 


Isa sa mga unang artista na lumabas sa listahan na maaring makapartner ni Coco ay si Ivana. Bagay daw kasi sila ni Coco, kahit sa height at tila magkokompliment umano ang kanilang mga ugali.


Samantala, nitong nakaraang buwan, pumirma na ng kontrata si Ivana sa ABS-CBN matapos ang tatlong taon.


Isiniwalat din ni Ivana na meron siyang gagawing mga project sa network na nakaline up na may mga teleserye at meron din mga movies. 


Subalit ayon kay Ivana, wala daw nabanggit sa kanya na makakasama siya sa FPJ's Batang Quiapo. Gayunpaman, nagpahayag siya ng interest sa nasabing serye.


Ayon sa kay Ivana, kung sakali daw na siya ay ooferran na makasama sa naturang serye, ay hindi niya rin papalampasin dahil ang totoo, nanonood daw siya nito gabi gabi. 


Sa ngayon ay wala pang offer para sa kanya para maging bahagi ng show. 


Samanatla, si Coco Martin naman ay may napupusuan na umanong leading lady na siyang papalit kay Lovi Poe, pero sa ngayon ay iniingatan pa nilang hindi lumabas sa publiko dahil ang nais nilang surpresahin ang mga tagasubaybay ng Batang Quiapo.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo