Pumasok ang batikang news reporter na si Susan Enriquez sa GMA noong 1989, taong 1995 naman nang pumasok sa GMA si Mike Enriquez.
Marami ang nag-aakalang magkamag-anak sila dahil sa parehong apelyido nila subalit ang totoo ay hindi sila magkaano-ano.
Sa isang panayam nitong August 30, 2023, muling nilinaw ni Susan Enriquez na magkapareho lamang sila ng apelyido ni Mike.
"Nauna ako sa kanya, nagsimula ako sa DZBB noong 1989. Tinanong niya yung Enriquez ko, sa husband ko yon, e. 'Di ano na lang magkamag-anak tayo'."
Hindi naman umano lingid sa kaalaman ni Susan na minsan ay napagkakamalan silang mag-asawa ni Mike Enriquez.
"Madalas kaming napagkakamalang mag-asawa. Idinadaan ko na lang sa, 'Ay, naku, kung asawa ko yan, hindi na ako magtatrabaho!'
"Hanggang ngayon, napagkakamalang mag-asawa kami. Marami nang beses na sinagot namin yan sa mga presscon, lagi talaga, 'Kayo po ba ay mag-asawa?'"
Samantala, inalala rin ni Susan Enriquez ang fondest memory niya kay Mike Enriquez noong itong nabubuhay pa.
"Fondest memories of him, sa trabaho, talagang buong-puso niya nasa pagtatrabaho. One hundred percent. Yung mga huling memory ko sa kanya, naka-wheelchair na siya, hindi na pumapasok pumupunta pa siya sa bahay ko."
Sa ngayon ay hindi pa naglalabas ng kabuuang detalye ang pamilya ng yumaong si Mike Enriquez hinggil sa kung kailan ililibing ang batikang news caster.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!