Isyu Ng Pagmumura Ni Wally Bayola Sa E.A.T Scripted?

Lunes, Agosto 14, 2023

/ by Lovely

Usap-usapan ngayon ng ilang mga netizens sa social media ang umano'y scripted na pagmumura ni Wally Bayola sa isang episode ng E.A.T.


Nagdududa ang ilang mga netizens na umano'y tila scripted lamang ang ginawa ni Wally Bayola sa episode ng E.A.T.


Matatandaan na episode ng E.A.T, bigla na lamang nagmura si Wally Bayola na naging dahilan para muling i-tag ng mga netizens ang MTRCB, lalong-lalo na ang chairperson nito na si Lala Sotto.


Samantala, marami naman ngayon ang napapatanong sa MTRCB kung totoong nagmomonitor nga ba sila sa mga programa sa telebisyon, lalong-lalo na ang mga naka-live dahil hindi na ito nababago.


Kaya naman, iniisyu ngayong una pa lamang ay planado na ang ginawa ni Wally Bayola. May mga nagsasabi na nagsakripisyo si Wally Bayola para pagmulan ng isyu.


Marami din ang nagsasabing balewala na lamang ito kay Wally dahil ilang beses na itong nasama sa gulo subalit palagi itong nakakalusot sa mga isyung ito.


Kaya naman, simple na lamang umano para kay Wally ang isyung ito.


Ayon naman sa ilang mga netizens, na planado na umano una pa lang ang ginawa ni Wally Bayola, upang palabasin na pantay ang trato ng MTRCB sa lahat ng mga noontime shows. 


Matatandaan na marami ang umalma nang tila pagkunsinti ni Lala Sotto sa ginawa ng kanyang ama at ina sa E.A.T noong July 29. 


Marami ang nagreklamo noon dahil indecent umano ang ginawang pagsibasib ng halik ni Tito Sotto sa kanyang asawa na si Helen Gamboa.


Subalit, hindi ito binigyan ng warning ni Lala Sotto dahil normal lamang umano ang ginawa ng kanyang mga magulang dahil mag-asawa naman umano ang mga ito.




( Hide )

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo