Labis na nasaktan ang partner ni Vice Ganda na si Ion Perez sa mga natatanggap na pambabatikos at sa mga tumatawag sa kanila na makasalanan.
May ilang mga bashers na hanggang ngayon ay hindi pa rin natatanggap ang relasyon ng dalawa at tinatawag pa ang dalawa bilang mga 'baklang makasalanan'.
Matatandaan na ibinahagi ni Ion Perez ang isang larawan nilang magkasama ni Vice Ganda, agad naman itong pinutakte ng mga komento at bashing.
May mga tumawag sa kanila bilang mga 'baklang makasalanan' at kung ano-ano pang pan-iinsulto.
Hindi naman ito pinalampas ni Ion Perez at sinagot ang basher.
"wag niyo naman po sana kaming sabihan ng masakit na salita."
Batay sa pahayag na ito ni Ion Perez, mahihinuhang talagang nasasaktan siya sa mga natatanggap na pambabatikos mula sa mga netizens at mga taong hanggang ngayon ay hindi pa rin tanggap ang kanilang relasyon.
Agad din namang kinuyog ng mga fans nina Ion Perez at Vice Ganda ang basher na labis umanong makapanghusga sa kapwa.
Ipinunto ng mga ito na dapat tanggapin na lamang sina Ion Perez at Vice Ganda. Hiling pa ng mga fans ng dalawa na sana ay suportahan na lamang ng lahat ang relasyon ng dalawa dahil doon sila masaya.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!