Ion Perez, Binweltahan Na Si Rendon Labador

Huwebes, Agosto 3, 2023

/ by Lovely

Tila hindi na nakakapagtimpi pa ang It's Showtime host na si Ion Perez sa mga pambabatikos sa kanila ng motivational speaker na si Rendon Labador.


Matatandaan na agad na inalmahan ni Rendon Labador ang ginawa nina Ion Perez at Vice Ganda sa isang segment ng It's Showtime partikular na ang pagsubo nila ng cake icing gamit ang daliri.


Maanghang ang mga naging pahayag ni Rendon Labador at tinawag pa silang mga hayop dahil sa kanilang ginawa sa harap pa ng mga batang guest host ng show.


Kasunod nito, binanatan pa ni Rendon Labador si Ion Perez kung saan tinawag niya itong palamunin at kumakapit sa bakla.


"May ABS ka nga, pero palamunin ka naman. Aanhin mo ang ABS kung sa bakla ka kumapit."


Hindi naman ito nagustuhan ni Ion Perez, kaya naman hinamon niya si Rendon Labador na maglabas ng resibong magpapatunay na si Vice Ganda ang bumubuhay sa kanya.


Inasar din ni Ion Perez si Rendon Labador na baka may gusto ito sa kanya kaya pinupuntirya sila nito ng kanyang asawa na si Vice Ganda.


Matatandaan na si Rendon Labador ang nangunguna sa pag-tag sa MTRCB at hayagang nanawagan sa mga ito na imbestigahan ang ginawang kahayupan umano nina Vice Ganda at Ion Perez sa It's Showtime.


Ipinahayag pa ni Rendon Labador na hindi angkop ang pinaggagawa nina Vice Ganda at Ion Perez sa show lalo pa't maari silang makita ng mga bata sa buong mundo.


Agad namang naglabas ng Notice to Appear at Testify ang MTRCB para sa production ng It's Showtime bukod pa kina Vice Ganda at Ion Perez para magpaliwanag.


Samantala, kasalukuyang nagbabakasyon ngayon sina Vice Ganda at Ion Perez sa ibang bansa matapos umanong masuspend sa noontime show na It's Showtime.


Tila pinahuhupa rin muna nila ang mainit pang isyu at para na rin magkaroon ng time para sa isa't-isa.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo