Hollywood Dreams Ni Liza Soberano, Hopeless Na?

Martes, Agosto 8, 2023

/ by Lovely


 Kasunod ng balitang pagkakaaresto ng talent manager ni Liza Soberano na si Jeffrey Oh, marami ang napapatanong kung maapektuhan nga ba nito ang showbiz career ni Liza Soberano particular na ang kanyang pinapangarap na Hollywood career.


Matatandaan na iniwan ni Liza Soberano ang kanyang magandang showbiz career sa Pilipinas sa ilalim ng kanyang talent manager na si Ogie Diaz at pagtatrabaho sa ilalim ng Star Magic para lamang tuparin ang matagal na niyang pinapangarap na makapasok sa Hollywood.


Si Liza Soberano ay labis na sumikat sa Pilipinas dahil na rin sa kanyang ka-loveteam at real life boyfriend na si Enrique Gil. Pumatok sa panlasa ng mga televiewers ang tambalan nilang dalawa at dahil rito nabigyan sila ng maraming projects.


Hindi rin maipagkakaila na isa ang kanilang loveteam sa mga hinangaan at tinitingala sa Philippines showbiz industry.


Gayunpaman, iniwan itong lahat ni Liza Soberano upang matupad naman ang matagal na niyang minimithi, ang makapasok sa Hollywood.


Hindi na niya ni-renew ang kanyang kontrata sa pangangalaga ni Ogie Diaz at sa Star Magic, lumipat siya sa Careless Management sa pamamahala nina Jeffrey Oh at James Reid.


Naging malaking kontrobersiya pa noon ang pagsisiwalat ni Liza, patungkol sa dating trabaho niya sa ilalim ni Ogie Diaz at Star Magic. Ibinunyag niya naging sunod-sunuran lamang umano siya at maliit lamang ang take home pay.


Sa kabilang banda, labis naman na nag-aalala ang mga fans ngayon ni Liza Soberano dahil kamakailan lamang ay nadakip ang manager nito at may-ari ng Careless Management.


Marami sa kanyang mga tagahanga ang nangamba at baka tuluyan nang gumuho ang matagal na niyang pinapangarap na Hollywood career.


Gayung marami na umano siyang sinakripisyo para lamang makapasok roon. 


Matatandaan na isang mga panayam noon kay Liza Soberano, sinabi niyang hindi siya maaring magpost ng mga larawan nila ng boyfriend upang mailayo na siya sa tambalan nilang dalawa at para na rin masolo ang exposure na makakatulong umano sa bagong career path na kanyang tinatahak.


Dahil rito, marami ang nagsasabing naghiwalay na umano ang dalawa dahil sa mataas na pangarap ng aktres. 


Gayunpaman, hindi pa rin nagbibigay ng pahayag si Liza Soberano sa kung ano ang susunod niyang magiging hakbang sa pagkakaaresto sa kanyang talent manager.


Tiyak naman umano na hindi nito basta na lamang isusuko ang kanyang pangarap sa Hollywood. Marami naman ang umaasa na sana, kung sakaling hindi makakapasok si Liza sa Hollywood ay may babalikan pa rin siyang career dito sa Pilipinas.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo