Hiwalayang Rob Gomez At Shaila Rebortera, Si Herlene Budol Ang Dahilan?

Miyerkules, Agosto 9, 2023

/ by Lovely


 Mainit pa ring pinag-uusapan ngayon ang isiniwalat ng dating beauty queen na si Shaila Rebortera patungkol sa pagkakaroon nila ng anak ng aktor na Rob Gomez at pinagsabihan pa umano siyang itago lamang ang kanilang relasyon.


Ginulantang kamakailan ni Shaila Rebortera ang mundo ng showbiz nang biglaan niyang isiniwalat na may relasyon sila ni Rob Gomez at higit sa lahat mayroon na silang anak.


Ikinagulat ito ng mga fans ni Rob Gomez lalo pa't ipinahayag ni Rob sa kanyang guesting sa Fast Talk with Boy Abunda na single pa siya at kasalukuyang may nililigawan.


Tila nilamon sa matinding selos si Shaila Rebortera kaya isiniwalat na niyang may relasyon at anak na sila ni Rob. Dahil sa pag-aming ito ni Shaila, marami sa mga fans nina Rob at Herlene ang nadismaya sa aktor.


Nadagdagan pa ito ng ibinahagi naman ni Shaila ang collage photo kung saan makikita ang mga pasa sa iba't-ibang bahagi ng katawan.


Hinuha ng ilang mga netizens na hindi nagustuhan ni Rob ang pagsisiwalat ni Shaila kaya nagawa niyang saktan ang dating beauty queen.


Samantala, naging malaking palaisipan ngayon sa ilang mga netizens kung showbiz career lamang ba ang pinuprotektahan ni Rob Gomez sa pagtatago ng relasyon at anak nila ni Shaila o may iba pa itong pinoprotektahan.


Base sa sinabi, ni Rob sa panayam niya kay Boy Abunda, masaya siya sa kanyang ginagawa ngayon bilang single at may nililigawan pa umano ito.


Hinuha naman ng ilang mga netizens na ang nililigawan ni Rob Gomez ay walang iba kundi ang kanyang leading lady sa Magandang Dilag na si Herlene Nicole Budol dahil napapansin umano ng mga ito ang closeness at sweetness ng dalawa.


Kaya naman, nangamba itong si Shaila na tuluyang masira ang kanilang relasyon dahil kay Herlene kaya isiniwalat na niyang may anak sila ni Rob Gomez.


Matatandaan na pumunta si Rob Gomez at nanood sa Miss Grand Philippines 2023 kung saan isa sa mga contestant si Herlene. Sila naman ang magkapareha sa nagdaang GMA Gala 2023 kung saan marami ang kinikig at nagsasabing bagay ang dalawa.


Gayunpaman, marami naman sa mga fans ni Herlene ang nagsasabing nagsasama lamang ang dalawa para ipromote ang kanilang palabas na magkasama.


Sa ngayon ay patuloy pa ring nananahimik si Rob Gomez sa kabila ng mga kontrobersiyang kinakaharap niya at pambabatikos mula sa mga netizens.


Hindi rin nagbibigay ng pahayag si Herlene sa pagkakadamay niya sa isyung ito.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo