Inamin na ng Beauty queen-actress na si Herlene Nicole Budol ang matagal nang isyu patungkol sa kanya kung saan siya ang itinuturong dahilan kung bakit nade-delay ang taping ng pinagbibidahang teleserye na Magandang Dilag.
Sa kanyang guesting sa programa nina Kuya Kim Atienza at Susan Enriquez sa Dapat Alam Mo!, inamin mismo ni Herlene habang nakasalang sa lie detector test na naging dahilan siya ng delay sa shooting pelikula.
Ayon kay Herlene na-late siya sa taping ng Magandang Dilag dahil sa nangyaring transport strike noon sa kanilang lugar sa Angono Rizal.
“May explanation naman po diyan. Isang beses lang po akong na-late dahil po roon sa strike sa amin sa Angono, Rizal,” saad ni Herlene.
Subalit naitanong sa kanya kung nagko-commute lamang ba siya papuntang taping para maapektuhan sa transport strike noon.
Dito nilinaw ni Herlene na ang ibig niyang sabihin sa kanila ipinarada ang mga jeep na kasama sa strike kaya nahirapan silang ilabas ang kanilang sasakyan.
“May sasakyan naman po ako pero ‘yung mga nakaparada po kasing mga jeep na nagprotesta, sa amin po pinarada, so wala po akong malabasan noon,” paglilinaw ni Herlene.
Gayunpaman, iginiit naman niyang isang beses lamang itong nangyari dahil ayaw naman umano niyang matawag na unprofessional lalo pa't ito ang kanyang unang teleseryeng pinagbibidahan.
Gayunpaman, nilinaw ni Herlene na isang beses lamang itong nangyari.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!