Nilinaw ng actress-beauty queen na si Herlene Nicole Budol ang naging pahayag niyang titigil na siya sa pagsali sa mga beauty pageants.
Kamakailan lamang ay naging guest si Herlene Budol sa programang 'Dapat Alam Mo' kung saan kabilang sa mga naitanong sa kanya ay tungkol sa naging pahayag niya sa kanyang vlog na mag signing off na siya.
Kung totoo ba umanong magtatapos na ang pagsabak ni Herlene Budol sa mga beauty pageants sa loob at labas ng bansa.
Agad namang sinabi ni Herlene Budol na tuloy na tuloy pa rin ang pagsali niya sa pageants. Nilinaw pa niya na ang sinabi niyang nag-sign off ay ang titulo niya bilang Miss Tourism Philippines dahil sa isyu ng franchise nito.
Sa ngayon ay hinihintay umano ni Herlene Budol ang tawag para sa sasalihang international pageant. Hindi umano siya susuko dahil noon pa man ay ito na ang kanyang ninanais.
Sa ngayon ay hindi pa rin sinisiwalat ni Herlene Budol kung ano ang international pageant na kanyang sasalihan.
Bukod dito, naitanong din nina Kuya Kim ang isyung siya umano ang nagiging dahilan kung bakit naaantala ang taping ng Magandang Dilag.
Hindi naman niya ito itinanggi subalit, pinagdidiinan ni Herlene Budol na isang beses lamang itong nangyari. Iginiit din niya na may mabigat siyang dahilan kung bakit na delay siya sa araw na iyon.
Samantala, muli na namang naglabas ng cryptic post si Wilbert Tolentino patungkol sa isang taong tinatago ang totoong ugali na tinatawag niyang plastik.
Marami naman ang nagsasabing si Herlene Budol ang tinutukoy ni Wilbert Tolentino.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!