Tila hindi na nakapagtimpi ang rumored boyfriend ni Ruffa Gutierrez na si Herbert Bautista sa mga kumakalat na balita ngayon na diumano ay nagkabalikan na sina Ruffa Gutierrez at dating asawa nito na si Yilmaz Bektas.
May mga naglabasang mga haka-haka ngayon sa ilang mga social media platforms na nagsalita na umano si Herbert Bautista, hinggil sa mga isyung kinakaharap ngayon ni Ruffa Gutierrez kung saan patuloy pa rin umano itong nililink sa dating asawa nito na si Yilmaz.
Ayon kay Herbert Bautista, hindi umano totoo na nagkabalikan na sina Ruffa Gutierrez at Yilmaz Bektas. Sa katunayan pa umano ay nagbabalak na silang magpakasal ni Ruffa.
Naiintindihan naman umano ni Herbert Bautista kung may mga nagnanais pa ring mga netizens na magbalikan sina Ruffa at Yilmaz Bektas dahil hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat ang pagkakaroon nila ng anak.
Subalit, hiling umano ni Herbert Bautista na sana ay mag move on na ang lahat at tanggapin na may kanya-kanya na silang buhay sa ngayon.
Samantala, nauna nang inamin ni Ruffa na civil na sila ngayon ng kanyang dating asawa na si Yilmaz Bektas. Minsan ay nakakapag-usap umano sila nito para sa kanilang mga anak na sina Lorin at Venice.
Sa kabilang banda, hindi pa naman kumpirmado kung totoong magpapakasal nang muli si Ruffa Gutierrez at bubuo ng panibagong pamilya kasama si Herbert Bautista.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!