Inamin ng actress na si Heaven Peralejo na ayaw niyang makatrabaho o makita man lang ang dating itinuturing niyang boy best friend sa loob ng Pinoy Big Brother House na si Marco Gallo bago pa man ang kanilang pinagtambalang proyekto na The Rain in Espana.
Sa isang episode ng Youtube Vlog ng actress-politician na si Aiko Melendez ibinahagi niya ang kanyang pagpanayam sa dalawang stars na magkatambal sa The Rain in Espana.
Isiniwalat ni Heaven Peralejo na labis siyang kinabahan ng malaman niyang si Marco Gallo ang magiging ka-loveteam niya sa inaalok na proyekto sa kanya, ang The Rain in Espana.
Ayon kay Heaven Peralejo, hindi niya inaakala na maiisipan ng management na pagtambalin sila ni Marco Gallo dahil hindi na umano sila nagkakausap at wala silang komunikasyon mula nang lumabas sila sa bahay ni Kuya na kilala ring PBB house.
Isa din ito sa dahilan kung bakit inayawan niyang makatrabaho si Marco Gallo dahil matapos silang makalabas sa reality talent search na Pinoy Big Brother ay pakiramdam umano niya na nagbago ang itinuturi niyang bestfriend sa loob ng bahay ni Kuya.
Aminado rin siyang labis siyang nasaktan sa mga panahon na iyon dahil pakiramdam niya ay naging stranger na sila sa isa't-isa.
"Hindi ko pa to nasasabi pero nung nalaman kong si Marco, parang sabi ko, 'Ha? Si Marco?', sabi ko
"I don't wanna work with Marco kasi bestfriend ko siya sa loob ng bahay, paglabas namin sa bahay ni Kuya parang hindi ko na siya kilala, hindi na niya ako kilala. I was really hurt that time," pag-amin ni Heaven Peralejo.
Matatandaan na kaagad na itinambal noon si Marco Gallo kay Kisses Delavin dahil mas maraming fans ang sumuporta sa kanila habang nasa loob ng PBB house.
Tila ito ang dahilan kung bakit dumistansya noon si Marco kay Heaven upang hindi magkaroon ng isyu at makapagfocus sa loveteam nila ni Kisses.
Sa kabilang banda, sa kabila ng kanyang mahigpit na pagtutol na makasama sa trabaho si Marco Gallo dahil hindi niya ito gustong makatrabaho at ni makita man lang, ay pinaliwanagan umano siyang mabuti ng kanyang ina.
Sinabihan umano siya na matagal nang nangyari iyon at pareho na silang mature ngayon na kaya nang ihiwalay ang personal na buhay at trabaho.
Dahil dito, nakumbinsi si Heaven na tanggapin ang trabaho kasama si Marco, tila hindi naman sila nabigo dahil nag-hit ang kanilang tambalan at sinusuportahan ngayon ng maraming netizens.
Sa ngayon ay hindi pa nila nilalagyan ng level ang kanilang relasyon. Subalit hiling ng kanilang mga fans na sana bumalik sila sa dati noon sa bahay ni Kuya kung saan sila ay matalik na magkaibigan.
"Mukhang at home sila sa isa't-isa walang pretensions. kaya maganda silang panoorin. parang ang sarap mainlove muli."
"MarVen Chemistry is undeniable talaga PBB pa lang. I'm so happy na finally, nabibigyan na sila ng maraming projects. More projects to come pa sana and hopefully makita ko sila soon."
"bagay na bagay silang dalawa.
as team stars.. This friendship will take them to different levels of emotions. Hope they take good care of their hearts!"
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!