Tila narindi na si Isko Moreno sa mga pagpaparinig sa kanila ni Joey De Leon kaya naman, tila gumanti na ito sa tinaguriang Henyo Master na si Joey De Leon nang banggitin niya ang salitang 'Pepsi' sa naging episode nila ng G sa Gedli.
Sa kamakailang episode ng G sa Gedli nina Isko Moreno at Buboy Villar, nakausap nila ang isang tindera ng ihaw-ihaw. Nang tanungin nila ang babae kung may-asawa na ba ito, kaagad na itinuro ng babae.
Napansin naman ni Buboy na umiinom pa umano ng softdrinks yung asawa.
"Umiinom pa ng softdrinks, Yorme," pahayag ni Buboy.
Dito na tila sinadyang banggitin ni Yorme Isko Moreno ang isang dark joke para sa TVJ, ang katagang 'Pepsi' mula sa pangalan na Pepsi Paloma.
Matatandaan na may mga kumakalat na haka-haka noon ang naging konekyon ng TVJ at ng dating aktres na si Pepsi Paloma.
Kapansin-pansin pa na tila pilit na pinipigilan ni Buboy ang matawa na tila ba may iba talagang ibig sabihin ang naging pahayag ni Isko Moreno.
Ayon naman sa ilang mga netizens na talagang sinadya ni Isko Moreno na banggitin ang 'Pepsi' bilang ganti sa sunod-sunod na pagpaparinig ni Joey De Leon sa kanila.
Ang pangalang Pepsi Paloma ay hindi magandang biro para sa TVJ dahil sa pag-uugnay sa kanila noon ng mga netizens na umano'y dahilan kung bakit naging masalimoot ang buhay nito kung saan pinili na lamang ng dating aktres na kitilin ang sariling buhay.
Naibalita noon ang umano'y panghahalay kay Pepsi nina Vic Sotto at Joey De Leon. Si Tito Sotto naman ang naging abogado ng dalawa kung saan sinasabi nitong walang katotohanan ang bintang ni Pepsi dahil ninanais lamang nitong sumikat.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!