Matapos ang guesting ni Michael V sa It's Showtime nitong Sabado sa It's Showtime, marami sa mga Madlang Pipol ang nagresearch sa buhay ni Bitoy at sa mga nagawa nito sa larangan ng showbiz.
Sa kanilang paghahanap sa mga naging proyekto noon ni Bitoy, ay napag-alaman nila na mayroon itong show noon sa GMA na pinamagatang Bitoy's Showwwtime.
Ang naturang show ni Bitoy ay isang short live weekend program. Napag-alaman din ng madlang pipol na parehong buwan at taon, lumabas ang pilot episode ng It's Showtime nina Vice Ganda sa ABS-CBN at Bitoy's Showwwtime ng GMA7.
Inilabas ng Bitoy's Showwwtime ang kanilang pilot episode noong October 17, 2009 hanggang March 13, 2010. May kabuuan itong 22 episodes, habang ang It's Showtime naman ay nag-umpisang umire noong October 24, 2009.
Dahil nauna ng isang linggo ang Bitoy's Showwwtime, may mga naghinalang ginaya ng ABS-CBN ang pamagat ng show at binago lamang nila ng kaunti.
Bagama't may mga pruweba na maaring makapagturo na talagang ginaya lamang ng ABS-CBN ang pamagat na showtime sa show ng GMA7, hindi naman ito nagiging basehan sa tagumpay na tinatamasa ngayon ng It's Showtime.
Hindi naman maitatanggi na hindi lamang ang pamagat nito ang nagsilbing pundasyon para sa kanilang pagtatagumpay kundi ang galing na ipinapamalas ng kanilang mga hosts.
Samantala dahil sa magandang nakaraan nina Michael V at ng It's Showtime hosts, marami ngayon ang humihiling na sana ay tuluyang mapasama bilang host ng show si Bitoy.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!