Ginawa ni Bogart sa Taiwan Hindi Ikinatuwa ng Mga Netizens!

Lunes, Agosto 7, 2023

/ by Lovely


 Mainit pa rin ngayong pinag-uusapan sa ilang mga social media platforms at ilang mga social media sites ang ginawa ng isang vlogger sa bansang Taiwan kamakailan.


Nakakatanggap ngayon ng samu't-saring pambabatikos mula sa mga netizens at ilang mga social media personality ang ginawa ng vlogger na si Bogart TV sa isang establishment sa Taiwan.


Binabatikos ngayon si Bogart dahil ipinagmalaki pa niyang inubos niya ang mga free taste na inooffer ng isang tindahan sa Taiwan, ibinahagi niya ito mismo sa kanyang vlog.


Sa unang bahagi ng kanyang vlog, makikitang naglalakad si Bogart sa pamilihan ng Taiwan, hanggang sa makakita siya ng store na nagbibigay ng free taste.


Agad niya itong nilantakan hanggang sa sitahin na siya ng staff. Hindi pa roon nakuntento si Bogart at minura pa niya ang staff na pumigil sa kanyang pagkain.


“Siya na nagsawa. Tumutusok ako, nilalayo na niya. Hahahaha. Put—na mo ka a. Mamigay ka pa a,” pahayag pa ni Bogart.


Hindi naman ito ikinatuwa ng mga netizens dahil nakakahiya umano ang inasal ni Bogart. Baka pa isipin ng mga Taiwanese na mga patay gutom ang lahat ng Pilipino.


“Hindi nakakatuwa par. Isipin mo din kapakanan ng kababayan nating nandyan. Hindi malabong isipin nila na ganyan lahat ng pinoy.”


“Kunting hiya naman par pinapahiya mo pinas niyan.”


“Ako na Yung nahiya sa ginagawa mo Kaya diko na tatapusin video mo hiyang hiya nko mukhang angdami mo pang mabuburaot…nakakahiya boy.”


Sa huli, sinabi pa ni Bogart na hindi naman umano niya kasalanan ang kanyang pagkain dahil ang mga vendors naman umano ang nagbibigay.


Gayunpaman marami pa rin ang pumuna sa ginawa na ito ni Bogart para lamang may mai-content siya. May ilan pang OFW sa Taiwan na nagkomentong sila na umano ang nahihiya sa ginagawang ito ni Bogart.


Tila hindi umano nito iniisip na naghahanap buhay lang rin naman ang mga nagtitinda roon, maari naman umanong tumikim basta't hindi lamang abusihin at higit sa lahat hindi dapat pagtawanan ang ginagawa ng mga ito.


"bilang isang ofw dto sa taiwan,aq o kmi nahiya sa pinaggagawa nya,kala nya cguro natu2wa mga taiwanese sa mga pinaggagawa nya,ok lng mag tikim2 sa mga food nila,peo isipin din nya sana na naghahanap buhay din cla,peo anu ginawa nya dinog show nya,naka2walng respeto sa mga naghahabuhay dto yun pinaggagawa nya"


"for the content sir gawin lahat tlga for the views wala pakialam sa madadamay na kababayan nya basta sya my sahod sa content nya mga ganyan d nag iisip.."


"another disrepectful to our country haist pinapahiya mo kameng mga OFW hindi ako basher pero sana ilugar mo ang vlog mo."


Si Bogart ay isang social media content creator/ vlogger, kilala rin siya sa kanyang channel na Bogart TV. Nakilala online si Bogart dahil sa kanyang mga nakakatawang content .


Kasalukuyang mag mahigit 460 thousand followers siya sa kanyang Facebook page habang mahigit 132 thousand naman ang kanyang mga followers sa TikTok.


Unang nakilala sa social media si Bogart nang mag-viral sa TikTok ang kanyang mga nakakagoodvibes na video.


Subalit, sa puntong ito, tila sumusubra na ang ginawa ni Bogart at hindi  na ikinatuwa ng mga netizens dahil nagiging bastos na umano ito sa kultura at hanapbuhay ng mga tao sa Taiwan.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo