Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media splatforms at ilang mga entertainment site ang isiniwalat ng veteran showbiz columnist at talent manager na si Lolit Solis patungkol sa ginawa ni Kris Aquino sa kanilang Yaya.
Sa ngayon ay kasalukuyan pa ring nagpapagaling si Kris Aquino sa kanyang mga karamdaman sa Amerika. Natukoy na rin ng isang magaling na doktor ang pinagmulan ng sakit kaya naman abala na ang mga ito sa pagsasagawa ng procedures para tuluyang gumaling ang Queen of All Media.
Samantala, hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na mula pa noon ay napapaligiran na ng mga yaya si Kris Aquino.
Kaya naman marami ang nagulat sa pagsisiwalat ni Manay Lolit Solis patungkol sa ginawa ni Kris Aquino sa kanyang mga yaya.
Ayon sa isang Instagram post ni Manay Lolit Solis, sinabi niyang may mga artistang pinipiling ibenta ang kanilang mga napaglumaang mga damit.
"Ang dami ngayon ng mga stars na nag o online business Salve. Either binibenta nila mga preloved nilang gamit, o pinagbibili din nila ilang gamit ng kapwa nila stars."
Wala naman umanong masama sa desisyong ito ng ilang mga stars dahil nakakatuwa na nagagamit pa ng ibang tao ang mga napaglumaan na kaysa sa pabayaan na lamang ito nakatago sa isang sulok.
"Walang masama dahil kundi mo na magagamit, bakit hindi mo ipagbili di ba! Mas maganda nga na magamit ng iba iyon gamit mo na hindi mo na gusto gamitin."
Ipinahayag pa ni Manay Lolit Solis na nasisiyahan siyang makakita ng mga ordinaryong tao na nakasuot ng mga ginamit ng artista mula sa mga shooting o di kaya sa pictorial.
"Madalas nga nakakatuwa na makita na isang ordinary tao makita mo suot ang ginamit ng isang star sa isang pelikula or pictorial."
Dito na ibinahagi ni Manay Lolit Solis ang ginawa ni Kris Aquino sa kanyang Yaya. Natatawa na lamang umano siya dahil ibinigay ni Kris Aquino sa kanyang yaya ang ilang gown na pinaglumaan nito gayung hindi naman umano alam ng yaya kung saan niya susuotin ang gown.
"Nakakatawa nga si Kris Aquino na binibigay mga gown niya sa kanyang yaya na hindi alam kung saan isusuot iyon gown."
Sinabi naman umano ni Kris Aquino na maaring isuot ng kanyang yaya sa Santacruzan ang nasabing gown. Subalit, ang malaking katanungan ay kung maiimbitahan ba ang kanyang yaya na maging isang Reyna sa Santacruzan.
"Ang suggestion ni Kris sa santakrusan isuot, eh kundi naman kinukuhang Maria Elena iyon yaya paano na, hah hah. Naku kung saan saan na naman mapupunta itong IG ko, hinto muna. Bukas na ulit ako magbigay ng mga juicy items hah hah."
Samantala, isa si Manay Lolit Solis sa mga nalungkot ng aminin nina Kris Aquino at Vice Governor Mark Leviste ang kanilang paghihiwalay.
Matatandaan na naunang ipinahayag ni Lolit Solis na nakikita niyang may future sina Kris at Mark kung saan hiniling pa niya na sana ay magkatuluyan na ang dalawa.
Subalit, nabigo si Manay Lolit Solis dahil naghiwala din ang dalawa makalipas ang ilang buwan matapos aminin ang relasyon.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!