Matapos ang tuluyang pagkabura ng TikTok account ni Rendon Labador, ngayon tila nanganganib na ring mabura ang kanyang Facebook page.
Makikita sa ibinahaging Instagram Stories ni Rendon Labador ang screenshot kung saan makikitang at risk na rin ang kanyang Facebook page, ibig sabihin malapit na rin itong i-deactivate ng Meta.
Hindi naman ito ikinatuwa ni Rendon Labador at pakiramdam umano niya ay nagkampihan ang Meta at TikTok sa pagpigil ng kanyang mga contents.
“Meta gusto mo din i-delete ako sa Facebook? Ano yan, pinag tutulungan ninyo ako ni TikTok?”
Matatandaan na inalmahan ni Rendon Labador ang pagkabura ng kanyang account sa TikTok, agad siyang nagpasa ng appeal.
Subalit, ayon sa pag-iimbistiga ng TikTok napag-alaman nila na talagang may mga violations ang account nito. Kaya habang buhay nang burado ang kanyang account.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!