Tila malapit na ang pag-iisang dibdib nina LJ Reyes at Philip Evangelista dahil kumakalat na ngayon sa ilang mga social media platforms ang prenup shoot ng dalawa.
Agad namang napansin ng mga netizens ang pagiging simple ng prenup ng dalawa dahil nakasuot lamang sila ng casual na damit.
Subalit ang mas nakaagaw sa pansin ng mga netizens ay ang suot na engagement ring ni LJ Reyes na kabilang rin sa mga nai-flex.
Ayon sa ilang mga netizens ay aabot umano sa 5 million pesos ang halaga nito. Makikita naman na may malaking bato ang singsing na hinuha pa ng ilang mga netizens na diamond.
Samantala, marami naman ang nagsasabing deserve naman umano ni LJ Reyes ang kaligayahan ngayon sa piling ni Philip Evangelista matapos ang masakit na karanasan niya sa break up nila ni Paolo Contis.
Matatandaan na napagdesisyunan ni LJ Reyes na mangibang bansa matapos isiwalat ang hiwalayan nila nila ng kanyang dating kinakasama na si Paolo Contis.
Sa kanyang paglipat sa New York, doon naman niya natagpuan ang kanyang forever sa katauhan ni Philip Evangelista.
Nauna namang ipinahayag ni Paolo Contis na masaya siya sa balitang magpapakasal na si LJ Reyes kay Philip. Ipinahayag pa niya na deserve naman umano nito ang maging masaya.
Sa ngayon ay masaya na rin naman si Paolo sa relasyon nila ng actress na si Yen Santos.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!