End of Friendship Na Ba Sina Kyline Alcantara at Cassy Legaspi?

Huwebes, Agosto 17, 2023

/ by Lovely


 Mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media ang pag-unfollow nina Cassy Legaspi at Kyline Alcantara sa social media.


Naging palaisipan sa mga netizens ang naging dahilan nito gayung hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat ang closeness ng dalawa sa lumipas na mga taon.


Bukas din sa publiko ang relasyon nina Kyline Alcantara sa kakambal ni Cassy na si Mavy Legaspi.


Matatandaan na noong 2018, pumasok si Cassy Legaspi sa entertainment industry kasama ng kanyang kakambal na si Mavy Legaspi.


Isa sa mga naunang nakilala at naging kaibigan si Cassy sa showbiz ay walang iba kundi si Kyline Alcantara. Inamin pa ni Kyline noon sa isang panayam na siya ang unang gumawa ng hakbang na para maging magkaibigan sila ng kambal.


Feeling close umano siya sa mga ito dahil na rin sa nakasama niya noon ang ina ng kambal sa teleseryeng Kambal Karibal.


Lalo pang nakilala nina Mavy, Cassy Legazpi at Kyline Alcantara ang isa't-isa nang magkamasa sila sa variety show na Studio7.


Mula umano noon ay nagkakasama na sila sa mga paglabas at binibisita na rin nila ang isa't-isa sa kani-kanilang mga tahanan.


Mas lumalim pa ang pagkakaibigan nina Cassy Legaspi at Kyline Alcantara nang malink ang huli sa kakambal ni Cassy na si Mavy Legaspi.


Hindi din naman naging lingid sa kaalaman ng lahat ang pagsuporta ni Cassy sa relasyon ng dalawa.


July 2023, ibinahagi pa ni Kyline Alcantara ang video kung saan magkakasama pa sila nina Mavy Legaspi, Cassy Legaspi at Darren Espanto bilang double date na labis namang kinakiligan ng mga fans.


Maging sa mga magulang nina Mavy at Cassy ay malapit rin si Kyline Alcantara.


Kaya naman labis na ikinagulat ng mga netizens ng mapansing hindi na naka-follow sa isa't-isa sina Cassy at Kyline sa Instagram.


Sa panahon ngayon, tila nagiging sukatan na ng pagiging magkaibigan at magkarelasyon ang pagpa-follow ng isa't-isa sa social media.


Kaya naman sa pag-unfollow ng dalawa sa isa't-isa marami ang naghinalang may tampuhan o nag-away ang mga ito.


Sa kabilang banda, napansin din ng mga netizens na naka-follow pa rin naman sina Kyline at Mavy sa isa't-isa. Maging ang kanilang mga larawan na magkasama ay naroroon pa rin naman. Maging si Darren ay nakafollow pa rin kay Kyline, kaya naman hinuha ng mga netizens na sina Kyline at Cassy lamang ang may isyu.


Hinala pa ng ilang mga netizens na si Cassy ang nangblock kay Kyline kaya naman automatic na maa-unfollow ito ni Kyline, ang dahilan umano ay ang pagiging close ni Kyline sa ex boyfriend ni Cassy.


Samantala, may mga naghinala rin baka naghiwalay na sina Mavy at Kyline kaya si in-unfollow ni Cassy ang huli at susunod na lamang si Mavy rito.


Subalit, sa kabila ng lahat na mga isyu at intrigang binabato sa kanila, patuloy pa rin naman ang kanilang pananahimik.





Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo