Muling nadawit sa kontrobersiya ng noontime show na E.A.T ang pangalan ng MTRCB chairperson na si Lala Sotto kasunod ng tila hindi sinasadyang pagmumura ni Wally Bayola habang naka-live airing sa Sugod Bahay mga Kapatid segment ng nasabing show.
Marami sa mga netizens na tila muli na naman umano itong papalampasin ni Lala Sotto dahil sa kanyang ama na nasa E.A.T.
Samantala, kanina lamang ay naglabas na ng public apology si Wally Bayola kung saan ipinahayag niya ang kanyang paghingi ng paumanhin at pang-unawa sa lahat.
"Ako po ay may nabitawang salita na hindi ko po dapat sinasabi, nagkamali po ako doon at ako po ay humihingi ng paumanhin at pang-uunawa ninyong lahat. Pasenya na po, pasenya napo sa lahat," pahayag ni Wally Bayola.
Gayunpaman, lumabas pa rin ang notice mula sa MTRCB kung saan pinapatawag ang production group ng E.A.T dahil sa nasabing isyu.
Ayon sa inilabas ng notice, tinatawagan ang production group ng E.A.T para magbigay ng paliwang sa ginawa ni Wally Bayola habang nakalive.
Magaganap naman ang kanilang hearing sa darating na August 14, 2023 sa opisina ng MTRCB sa Timog Avenue, Quezon City.
Nakasaad din sa nasabing notice na nalabag ang Section 2(B), Chapter 4 of the Implementing Rules and Regulations of Presidential Decree No. 1986 ni Wally Bayola na naging dahilan kung bakit sila na isyuhan ng notice.
Narito ang buong press release ng MTRCB.
"FOR IMMEDIATE RELEASE
11 August 2023
"E.A.T summoned by the MTRCB
"The Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), motu proprio, issued a Notice to Appear and Testify to the Production Group of E.A.T noontime TV show over the utterance of profane words by one of the program hosts, Wally Bayola, which aired on 10 August 2023 as covered by the Board’s Monitoring and Inspection Unit.
"Said scene is in violation of Section 2 (B), Chapter IV of the Implementing Rules and Regulations of Presidential Decree No. 1986 (PD No. 1986). The hearing date is on 14 August 2023, Monday, at the MTRCB Offices in Timog Avenue, Quezon City.
"The Board said any violation of PD No. 1986 and its Implementing Rules and Regulations governing motion pictures, television programs, and related promotional materials shall be penalized with suspension or cancellation of permits and/or licenses issued by the Board and/or with the imposition of fines and other administrative penalty/penalties."
Matatandaan na naunang tinawag ng mga netizens ang pansin ng MTRCB nang hindi nagustuhan ng ilang mga manonood ang 'halikan' nina Tito Sotto at asawang si Helen Gamboa habang naka-live sa E.A.T noong July 29, 2023.
Hindi rin umano angkop ito kagaya na lamang ng ginawa nina Vice Ganda at Ion Perez sa It's Showtime. Subalit, naninindigan si MTRCB Chairperson na si Lala Sotto na wala silang nakikitang mali sa ginawa ng mga magulang dahil mag-asawa naman umano ang mga ito.
Nasundan naman ito sa pagbibiro ni Jose Manalo patungkol sa kulay ng kanyang co-host sa show na si Zombie Tugue kung saan ipinahayag niya ang pang 'black out' na kaitiman nito.
Agad naman itong pinagtanggol ni Zombie at sinabing hindi siya naoffend sa biro ni Jose Manalo at wala umanong pagiging racist sa pahayag na ito ni Jose.
Subalit, hindi na nakaligtas ang E.A.T sa warning ng MTRCB dahil sa pagmumura ni Wally Bayola.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!