Eat Bulaga Ng Tape Incorporated Posibleng Sipain Ng GMA7 Alamin Ang Buong Detalye!

Martes, Agosto 29, 2023

/ by Lovely


 Tila hindi pa rin nababawi ng Eat Bulaga ang pagbaba ng kanilang ratings sa mga nakalipas na buwan. 


Muli na namang kumalat sa social media ang isyu na maaring tanggalin ng GMA7 ang Eat Bulaga dahil sa patuloy na pagbaba ng ratings nito kumpara sa mga katapat na show at sa dating ratings nito noong pinapangunahan pa ito ng TVJ.


Sa kabila ng pagsisikap nina Isko Moreno at Buboy Villar sa pagbibigay ng papremyo sa mga netizens, marami pa rin ang mas pinipiling suportahan ang show ng mga legit dabarkads.


Matatandaan na noon pa man ay marami na ang naghinalang hindi magtatagal ang Eat Bulaga nang iwan sila ng mga naunang hosts lalo pa't pilit umano nilang ginagamit ang pangalan ng show.


Sa ngayon ay ongoing pa rin ang kaso sa pagitan ng TAPE Inc. at ng TVJ dahil sa layon ng huli na bawiin ang kanilang show na pilit umanong inaangkin ng TAPE Inc.


Samantala, wala pa rin namang kumpirmasyon kung totoo nga ba ang mga haka-hakang matitigil na ang Eat Bulaga sa GMA7.






Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo