Eat Bulaga, Nakarma Sa Kanilang Ginawa Maaring Mawala Sa TV?

Martes, Agosto 15, 2023

/ by Lovely


Tila muli na namang nakarma ang Eat Bulaga na pilit na pinanghahawakan ng mga Jalosjos, matapos itong mangyari sa kanila.


Ayon sa ilang mga TVJ fans, tila pabagsak nang pabagsak na umano ang Eat Bulaga. Ito'y dahil sa kamakailang karma na nangyari umano sa kanila ng hindi nila inaasahan at maging ng kanilang mga tagahanga.


Kamakailan lamang ay nagtrending at naging usap-usapan ang umano'y pagpapawalang bisa ng Korte Suprema sa proklamasyon o pagdeklarang panalo ng Commission on Elections kay Romeo Jalosjos Jr. bilang Kongresista ng 1st District ng Zamboanga Del Norte sa nagdaang May 2022 elections.


Kasama sa naglabas ng desisyon ay ang mga mahistrado ng Supreme Court at ipinag-utos sa COMELEC na iproklama bilang tunay na nanalo bilang kongresista si Roberto Uy Jr.


Ayon sa inilabas na pahayag ng Supreme Court Public Information Office, batay sa En Banc deliberations noong Martes, may nakitang grave abuse of discretion sa inilabas na COMELEC En Ban's order na may petsang May 2022 at resolution na may petsa namang June 2022.


Subalit, kamakailan lamang ay tila nakaranas muli ng panibagong dagok ang TAPE Inc. usap-usapan kasi na ang bagong gawang Youtube channel ng TAPE Inc. kung saan ipapalabas sana ang kanilang mga videos at terminated na ngayon, dalawang araw matapos nilang ginawa ang nasabing channel.


Sa loob ng dalawang araw nakakuha naman kaagad ito ng mga subscribers subalit tila hindi naman ito naging hadlang para materminate ang nasabing channel dahil sa pagrereport umano ng mga fans ng TVJ.


Agad itong na terminate dahil kakagawa pa lamang nito at may kaunting subscribers at mababang views nito. Ayon sa aming nakalap na impormasyon, nasa one thousand plus pa lamang ang mga subscribers nito at nasa sa thousand pa lamang rin ang views nito bago tuluyang materminate.


Matatandaan na isiniwalat ng mga panibagong hosts ng Eat Bulaga ang ginawa nilang panibagong Youtube Channel noong sabado.


Subalit, nitong lunes ay hindi na makikita pa ang nasabing channel dahil terminated na ito sa Youtube.


Naniniwala naman ang mga fans ng Tape Inc. na ang may pakana kung bakit nawala at terminated na ang bagong Youtube channel nila ay walang iba kundi ang mga die hard fans at loyal fans ng TVJ, na kasalukuyang ipinaglalaban pa rin ang copyright ng Eat Bulaga.


Matatandaan na hindi ito ang unang pagkakataon na na restrict ang Youtube channel na ginawa ng TAPE Inc. para sa Eat Bulaga. Nagpapatunay lamang ito na marami talaga sa mga netizens ang naniniwalang ang TVJ talaga ang tunay na nagmamay-ari sa Eat Bulaga.


Posibleng nagkaroon umano ng mass reporting mula sa mga fans ng TVJ kaya tuluyang terminated ang mga panibagong channel at pages na ginagawa ng TAPE Inc. para sa Eat Bulaga.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo