Detalye Sa Pagsuporta Ni Vice Sa Paglaya at Pag Abswelto Kay Awra Briguela Sa Kaso

Huwebes, Agosto 24, 2023

/ by Lovely


 Iginiit ng Unkabogable Star na si Vice Ganda na hinding-hindi niya bibitawan ngayon ang kanyang alaga at anak-anakan na si Awra Briguela lalo na't may mga kinakaharap itong mga kaso mula sa mga nakaaway nito sa isang bar sa Poblacion, Makati.


Nilinaw na ng comedian TV host na si Vice Ganda na walang katotohanan ang mga kumakalat na isyu na umano'y binitawan na niya ang kanyang alagang si Awra Briguela matapos itong masangkot sa isang rambulan at makasuhan ng patong-patong na kaso.


Ipinagdidiinan pa ni Vice Ganda na guidance ang kailangan ngayon ni Awra Briguela at hindi panghuhusga mula sa mga feeling perfect na mga netizens.


Sinigurado naman ni Vice Ganda sa kanyang mga fans na maayos na ngayon si Awra kung saan pinagsisisihan na umano nito ang kanyang nagawang pagkakamali.


Ayon pa kay Vice Ganda, hindi na kailangang magsisihan pa ngayon dahil nangyari na ang nangyari at hindi na maibabalik pa bagkus ng dapat umanong siguruhin na hindi na ito muli pang mangyayari.


Samantala, mariin ding pinabulaanan ni Vice Ganda na gumamit siya ng koneksyon para makalabas si Awra sa bilangguan sa kabila ng mga patong-patong na kaso na isinampa kay Awra.


Matatandaan na lumabas noon ang balitang gumastos si Vice Ganda ng malaking halaga ng pera para masettle ang mga kasong kinakaharap ni Awra.


Pinabulaanan ito ni Vice Ganda dahil nakalabas umano ng maayos si Awra matapos makapag pyansa ng 6000 pesos.


Pinabulaanan din niya ang isyung kinukunsinti niya ang mga pagkakamali ni Awra. Pinapayuhan at pinapagalitan din naman umano niya ito bilang pagdesiplena.


Samantala, hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbibigay ng pahayag si Awra Briguela hinggil sa isyung kinakaharap niya.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo